Thea's POV
Matapos ng meeting na yun kagabi ay hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Dad pagkatapos ng meeting.
Tumayo na ako at uuwi na sana dahil wala naman na sila Tito Galahhad dahil umuwi na din ang mga ito.
"Sandali, anak. Wag ka muma sanang umalis mas sasabihin pa sana ako sa iyo." sabi ni Dad habang ako naman ay nakatingin lang dito. Umupo ulit ako at tumingin sa kanya.
"What now, Dad?" napayuko ito. Hinawakan naman ni Mom yung kamay ko habang nakatingin sa akin ng nakangiti. Tumingin sa akin si Dad ng may naluluhang mata.
"Patawad, anak. Patawad sa mga nagawa ni Daddy, patawag sa lahat ng pagkukulang ni Daddy sa inyong magkapatid, patawad sa lahat mga anak." ramdam ko ang sinseridad ni Dad habang pumapatak ang luha nito mula sa kanyang mata. Ngayon ko lang nakita na umiyak si Dad sa harap namin dahil lagi ko itong nakikitang seryoso.
"I am already forgiven you, Dad. Matagal na." sabi ko tsaka ngumiti ng konti. Nakita ko naman na napangiti si Dad. "Pero just give me some more time, Dad, Mom. I promise I'll be back to my home" sabi ko tsaka ngumiti sa kanilang lahat at tsaka tumayo at umalis na doon. Hindi ko na napigilan ang luhang nagbabadya kanina pa sa aking mata habang tinatahak ang daan papuntang parking lot pero hindi pa man nakakalayo ay nagsalita ulit si Dad.
"Maghihintay kami anak. Hihintayin namin yung totoong Thea."
Palaisipan pa din sa akin yung huling sinabi ni Dad kagabi. Hihintayin yung totoong Thea? What do they mean? Pinagpaliban ko nalang ang pag-iisip hanggang sa pumunta na ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakita si Raven na nasa sala. Umagang umaga bakit nandito itong taong to sa condo ko?
Napatingin sa akin si Raven.
"Goodmorning, Boss." sabi niya tsaka naman lumabas ang isang babae sa loob ng kusina. At ang magkapatid nga ang nandito.
"Goodmorning, Boss" si Polaris habang nakasuot ng apron. Wag mo sabihing nagluto si Polaris? Oh c'mon Thea, don't be so stupid. Syempre nagluto dahil nga nakasuot ng apron diba? Bobo mag-isip umagang umaga.
Tinanguan ko nalang sila.
"Umagang umaga bakit kayo nandito?" tanong ko tsaka kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso at tsaka ko inimon.
"Hindi ba pwedeng pumunta kami dito kase namimiss ka namin?" si Raven. I just rolled my eyes on him.
"Anong miss ka namin? Duh ikaw nag-yaya sa akin dito. Ang sabihin mo gusto mo lang makita si Boss." si Polaris habang inilalagay sa plato yung niluto niyang bacon.
"Wag ka ngang panira ng trip, Polaris." inikutan lang ng mata ni Polaris si Raven. Magkambal sila 1 hour lang ang gap ng dalawa. At magkamukhang magkamukha.
Kumain na kaming tatlo habang hindi pa rin matigil ang pagbabangayan ng dalawang magkapatid. Nakakabanas na.
"Stop or else I'll drag you to dead." malamig kong saad tsaka naman sila tumigil at umupo ng maayos tsaka kumain.
"Do you have any mission right now, Thea?" Polaris shifted her gaze at me.
"None, pupunta lang akong kompanya. Baka maraming paperworks na pepermahan." sabi ko habang kumakain.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
ActionYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...