5 months have passed. Wala pa rin siya. Araw araw akong nagpapadala ng message sa phone ni Thea kahit imposibleng mabasa niya ito. I often message goodmorning, did you eat?, kailan ka babalik?, miss na kita, i love you, kamusta ka na jan?, hihintayin kitang bumalik, Thea.
And here I am nakatingin lang sa puntod na nasa harap ko. Valerina Martinez-Prescott.
"Ma, kamusta na jan? Sana at hindi mo kasama si Thea ngayon jan. Wag mo siyang hahayaang makapasok jan sa langit ma ah? Pabalikin mo dito." natatawa ako sa mga pinagsasabi ko dito sa harap ng puntod ni Mama. Mama ang tawag namin sa kanya habang kay Daddy ay Daddy at Dad lang.
"Ma, miss ko na siya at pati ikaw. Ma, alam mo ba kung nasaan siya? Ituro mo naman oh. Ma, alam mo ba kung kailan siya babalik? Pakisabi naman sa panaginip niya na hinhintay ko na siya ma." lumamlam ang mga mata ko.
Nagtagal pa ko doon ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan ko ng umalis. Nagdrive ako hanggang sa makarating ako sa harap ng isang building. Isang logo na malaking gold pangalan na VEXIEN. Yeah, nandito ako ngayon sa Vexien Shipping Line.
(AUTHOR: If ever na hindi niyo maalala ang Vexien, ito yung company ni Thea. Continueee HAHAHAHA)
Pumasok ako sa loob at agad na pumunta sa elevator. Merom pa akong nakasabay na mga empleyado at nag-bow ang nga ito sa akin. Alam na nilang fianceé ko si Thea.
Pagkatunog ng elevator ay agad akong pumunta sa office ni Thea. Papasok na sana ako sa loob ng magsalita si Devin.
"What brings you here, Mr. Prescott?" tanong nito sa kanyang desk na tapat lang ng office ni Thea.
"Hindi ka pa ba sanay, Devin?" sabi ko tsaka na siya iniwan doon. Lagi akong nagpupunta dito tuwing weekends. I don't know pero I feel relaxed here at tsaka pumayag din naman sila Tito at Tita na kung pwede ay ako muna ang mamahala sa Vexien. Anjan naman si Devin na secretary ni Thea para sabihin ang mga importanteng malaman.
Umupo na ako sa swivel chair niya na lagi niyang inuupuan habang hinihilot ang sentido dati ni Thea habang nakaupo dito at na-iistress na sa mga binabasa niya. Imbes na sa ako ang magpatakbo ng mga hotels namin pero hindi nandito ako ngayon para makapagpahinga. Bahala na sila Ate at Daddy doon. Wala pa naman akong training eh. Mas mabuti pa si Thea at may alam na sa mga ganitong bagay.
"Nandito si Leo, Mr. Prescott. Papapasukin ko ba?" Devin said on the intercom connected to his table.
"Papasukin mo." sabi ko tsaka naman bumukas ang pintuan kung saan iniluwa nito ang lalaking nakangisi. Umupo siya sa visitor's chair na nasa harap ng mesa at tsaka naman lumabas si Devin.
"May impormasyon na ba? Talaga bang wala kayong nahanap na bangjay sa lumubog na cruise ship?" diretsong tanong ko dito. Bigla naman siyang natawa ng mahina.
"Wala talaga Vin. Kahit ikaw pa ang tumingin. At tsaka hindi mamamatay ng maaga yun, masamang damo matagal mamatay."
"Ihahalintulad mo nanaman siya sa iyo na masamang damo." nakangisi kong sabi tsaka naman siya sumandal sa upuan.
"No, seriously. Hindi mamamatay ng ganun kadali ang isang Thea Victoria Smith. Parang pusa yun eh may siyam na buhay. Kahit ilang bala pa yan o kaya saksak, nah kaya niya yun hindi kagaya ng mga iba. Isang saksak lang tigok na." sabi nito tsaka natawa ng mahina. "Kaya nga nagustuhan ko siya eh." ngumisi siya sa akin tsaka ko naman siya tinaliman ng mata.
"Fvck off." sabi ko dito at tsaka naman siya natawa.
"Kung siya lang ang nasa harap ko ngayon...nakatutok na ang nguso ng baril niya sa ulo ko." iiling iling habang tumatawang sabi niya.
YOU ARE READING
THE QUEEN (Completed)
AcciónYou will meet the person you wouldn't want to mess with. Because she can kill you right away with no mercy. She dressed in angelic and meek face but behind that face is there is no mercy, dangerous, and a monster in killing personality on her. The...
