Chapter 41

34 8 4
                                        

Meisha's POV

God, ngayon ko lang nalaman na pinsan pala ni Thea yung lalaking iyon. Nakakabanas yung mukha pa din niya hanggang ngayon, mukha pa ring manloloko, bwiset. Nandito ako ngayon sa garden nakaupo sa isang chair na malapit sa swimming pool.

"Oh umagang umaga nakakuyom agad ang kamay mo jan." sabi ni Daddy sa tabi ko. Humalik naman ako sa pisngi niya.

"Goodmorning, Dad." bati ko sa kanya pero tumango lang ito.

"Bakit ba galit ang unica ija ko umagang umaga." alam ni Daddy lahat ng nangyari sa akin pati mga nakarelasyunan ko. Hindi ako naglihim sa kanya ni isa.

"I saw my ex, Dad." napa- oh nalang siya habang nasa harap niya ang binabasang diyaryo.

"Sino sa kanila?"

"Dad!" singhal ko dito pero tumawa lang siya.

"Shawn? Shawn ba pangalan nun?" tumango lang ako sa kanya. "So what if you saw him again? May ibang babae na ba?" sabi ni Daddy at tsaka sumimsim ng kape.

"Wala naman po siyang kasama, yung kakambal niya lang po at pinsan niya."

"Kakambal at pinsan?" tumango ako sa kanya.

"May kakambal siya at taliwas ito sa ugali niya. His brother we're silent and I think smart."

"Matalino din naman yung batang yun, maloko nga lang." sabi naman ni Dad.

"His cousin is Thea."

"Oh. What a coincidence isn't it?" nakangisi si Dad. Napairap nalang ako dahil si Shawn lang ang tumagal na naging boyfriend ko pero niloko pa rin ako. Gusto rin siya ni Dad para sa akin pero yun nga nagloko nga lang.

"I heard may mission sila Vin ngayon. Narinig ko siya kanina sa salas." tumango nalang ako.

"Tito Thyler and Tita Michelin was kidnapped." napabuga si Daddy ng kape at muntik pa akong mabasa. "Daddy!"

"What?! Nakidnap kamo si Thyler ar Michelin?!" gulat na tanong ni Daddy. Napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan. "Oh god. Malaking problema nanaman ito." tumingin siya sa akin. "Nasabi na ba ni Thea ito sa mga kaalyansa?" tanong ni Daddy sa akin.

"Wala yata siyang balak ipaalam, Daddy. At wala rin namang pake ang mga ibang kaalyansa dahil alam naman nilang kaya na nito ng Queen." sabi ko namam tskaa naman siya tumango.

"You have a point." sabi niya tsaka napabuntong hininga. "Sana lang at mailigtas ni Thea ang mga magulang nila." sabi niya tsaka nagpatuloy na sa pagbabasa.

"I have to go Dad. Pupunta pa ako kila Thea at ibibigay yung blueprint ng cruise ship na gaganapin ang event kung nasaan sila Tito and Tita at may gagawin din kaming importante."

"Okay, take care anak." sabi niya tsaka ako humalik sa pisngi niya at umalis na doon.

Thea's POV

May time pa kami para maghanda at pag-aralan ang blueprint na dala ni Ate Meisha. Nakapaghanda na rin kami ng ranaway plan at Plan B kung sakali. Nandito na rin silang lahat.

THE QUEEN (Completed)Where stories live. Discover now