Chapter 10

32 9 5
                                    

Matt's POV

Buhat buhat ko si Thea habang tumatakbo papuntang parking lot peri bago pa man yun may tumapat na sa aming kotse.

"Hop in!" sigaw ng lalaki kaya wala na kaming nagawa kundi pumasok nalang. Baka mawalan ng maraming dugo si Thea kapag tatakbuhin pa namin hanggang sa parking lot.

Tinamaan siya sa kaliwang bahagi ng kanyang likod sa tapat ng kanyang dibdib. Punong puno na ng dugo ang kamay at uniporme ko pero hindi iyon alintana dahil mas nag-aalala ako sa kanya.

Nasa front seat yung nagngangalang Polaris at yung lalaking kasama nila kanina ay kinuha pa niya yung sasakyan niya sa parking lot at sinabing susunod nalang daw ito.

"Anong nangyari sa kanya, Polaris?" tanong ng lalaki. Magkakilala sila?

"Pinagbabaril ang classroom namin." maikling sabi ni Polaris habang nakatingin sa labas ng kotse.

"Look alam kong malaki ang kasal--" naputol ang sasabihin ng lalaking ito ng sigawan siya ni Polaris.

"Damnit! Just drive faster! Wala akong pake kung malaki kasalanan mo sa amin or kay Thea pero pwede ba wag ngayon! Wag ngayong nanganganib ang buhay ng kapatid ko!" para ng nagwawalang sabi at may piyok na sabi ni Polaris. Ngayon ko lang nakitang ganyan siya magalit dahil napapansin kong tahimik lang ito at parang si Thea lang na parang robot kung tumingin, walang kaemoemosyon.

Hindi na nagsalita pa yung lalaki at nagmaneho nalang. Tinitigan ko ang mukha ni Thea, hindi mapagkakaila ang kagandahan nito.

"Don't stare at her like that, Mr. SSG President." sabi naman ng lalaki habang nakatingin siya sa akin sa rear mirror. Kinunutan ko nalang siya ng noo.

"Why would I obey you?" ginantihan ko ang tingin niya sa rear mirror.

"Don't mind him, Vin. He's just paranoid." sabi naman ni Polaris.

Binalik ko nalang ang tingin ko kay Thea. Hanggang sa makarating na kami sa hospital. Agad namang inasikaso ng mga doctor si Thea. Inooperahan palang siya at kami naman ay nakaupo lang.

"You can go now." sabi ng lalaki sa akin.

"Who do you think you are to say that to him?" sabi ni Polaris habang nakatingin pa din siya sa lalaki.

"Dapat ikaw ang umalis, Ax. Salamat nalang sa pagdala sa amin dito. Hindi mo gugustuhin kong maabutan ka nila Tito dito." si Tito Thyler? Ano bang koneksyon ng lalaking ito kay Thea? Naguguluhan ako sa mga naiisip ko.

Umalis na yung lalaki ng walang paalam at sakto namang dumating si Raven. At hingal na hingal itong lumapit kay Polaris.

"Natawagan mo na ba sila Tito?" tanong nito habang habol habol pa din ang hininga at umupo sa tabi ni Polaris. "May tubig ka ba jan?" binatukan naman ni Polaris si Raven. "Aray! Pangalawa na yun ah." hinimas himas ni Raven ang batok niya habang nakakunot ang noong nakatingin kay Polaris.

"Bobo kaba? Bakit ako paghahanapan mo ng tubig eh nagmamadali tayong pumunta dito! Pakiusap naman ng utak mo kapatid, lumuluwag ang turnilyo." sabi nito sa kapatid niya pala. Same sila ng grade so ibig sabihin.

"Yes, we're twins" sabay na sabi ng dalawa habang nakatingin sa akin. Bakit nila nalaman nasa utak ko? Hayts hayaan na nga lang.

THE QUEEN (Completed)Where stories live. Discover now