.The place were filled with the noise of the disturbing siren and the lights of the colors of reds and blues that were circling.....
And circling...
.
.
Tila isa nanaman itong pahiwatig na unti-unti nang lumalala ang kanyang kundisyon. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng ambulansya ay ang pagbukas din ng aking isipan sa mga posibilidad na mangyari sa anak ko. Sa pag bilis ng pagtakbo ng mga gulong ng hospital bed ay tila daang beses rin ang kabog ng dibdib ko. Nanlabo ang aking paningin, marahil ay dahil narin sa mga luhang kanina pang nagbabadyang kumawala sa kanilang pinaggalingan. Andito nanaman kami, sa lugar Kung saan aming naging pangalawang tahanan. Lugar Kung saan nagpatibay Hindi lamang sa anak ko kundi pati narin sa akin.
"What happened?" Tanong ni matthew Habang sinasamahan ako papuntang Emergency Room.
"I don't know, tanya just saw her passed out, Matt, please.. Save my daughther." Sinabi ko sa kanya at tuluyan nang bumagsak ang aking mga Luha.
".. I'll do everything for her. Okay?" He said and looked at me sincerely reassuring the safety of my child.
Siya si Matthew Jeans isang doktor na specialista sa puso dito sa London. Kasama ko siya noon sa Miss Saigon at minsang may namagitan sa Amin, pagkatapos ng contract namin ay doon narin natapos ang Magandang pagtitinginan dahil sa pagpursigi niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina.
"Mommy". She said weakly.
"Yes honey?" I asked her.
"Mom, I don't... Want..here". She started crying as she said those words hardly.
"Shh.. I know baby but Diba you want to go to the philippines? Eh how can Yzian go there, if Yzian is sick?" I said to her Habang nagpipigil ako ng pag Luha.
"Anak hold on okay? Mommy is here... Mom is here" I hold her hand tighter to assure her that everything is going to be okay.
Kahit na paulit-ulit, pabalik-balik kami sa ospital ay tila paulit-ulit parin yung sakit sa tuwing tinuturukan siya, sa tuwing kinakabitan siya ng mga aparato, sa tuwing maririnig ko ang mga panaghoy niya dahil sa takot. She's only 1O months old nung madiagnose ng kanyang doktor na meron siyang congenital heart disease. Mostly hanggang 4 years old lang daw yung lifespan. And shes now 3 years old.
"Tanya, sino sila para taningan ang buhay ng anak ko? Diyos ba sila? Ha? Diyos ba sila?" I said to tanya and not to care for everyone can hear.
Tanya comforted me. "Shh.. Ate magpapasecond opinion tayo ha"
"Tanya, anak ang maglilibing sa magulang! Hindi ang magulang ang maglilibing sa anak!" I said between my sobs.
"Shhh..ate, magpapaconsult tayo sa iba. Ha?! Shhh.."
We do consulted other doctors on different hospitals.
Second......
Third........
Fourth.....
Fifth.....
Still, same diagnosis, same result. Tinanong ko lahat ng santo, mga poncio pilato, Kung bakit niya ako ginaganito. Of all people bakit sa anak ko pa. Most of the time I questioned god, meron ba akong nagawang kasalanan? Dahil sa panahong Ito, wala na akong nalalaman. Pagod narin akong ipaglaban ang buhay ng anak ko.
Si tanya ang naging katuwang ko sa pagpapalaki sa anak ko, kasamahan ko siya noon sa saigon. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa gitna ng Hindi namin napagkakasunduan noon ay Hindi ko inaakala na siya pala ang pwede kong kapitan sa gitna ng delubyo kong pinapasan. Siya ang naging karamay ko noong pinagbubuntis ko si Yzian hanggang ngayon, na kahit nasa New York na siya para mag lead star sa isang theater play doon ay Hindi parin niya kami kinakalimutan ni Yzian.
Nasa recovery room na kami. Mahimbing na natutulog si Yzian yakap-yakap and isang teddy bear. Kasalungat ng makulay at masayang dekorasyon ng kwarto ay ang mukha ng anak ko. Matamlay, walang buhay. Nadudurog ang puso ng paulit-ulit sa tuwing tinititigan ko siya.
Siya si Yziandrea Carmella Rhed Go, my biological daughter. She's three years old. Maraming bawal sa kanya, bawal kumain ng junk foods, bawal magpagod, minsan, pinagbabawalan ko na rin siyang lumabas at makipaglaro sa mga kaibigan niya ng wala ako dahil kapag inatake nanaman siya ng sakit niya at Hindi Ito agad maagapan, maari niya itong ikamatay. Sa kanya na umiikot ang mundo ko. Siya ang buhay ko. Even though she is sick, she grows up a charming, lovable, and smart kid. Although she grows on a foreign country, tinuturuan ko parin naman siyang mag tagalog dahil alam ko na when the right time comes, we'll go back to the philippines.
I still remember the first time I thought her how to speak tagalog. At isa inyong napakahabang disksyon naming mag-Ina. One time, after I spoke with tanya on the phone.
"Mom! What is the language you're speaking with my ninang tanya?" She asked.
I sat on the couch and I let her sat on my lap facing each other. "It is called tagalog!!" I said as I pinched her little nose.
"Ttagahloag?" She said in her cutest sound ever.
I laughed. "Baby! It's Ta-Ga-Log.. Tagalog!"
"Tagaloag!" She said while waving her hands up in the air
I tickled her. "Mooommmyy!! Stooooppp!! Hahahahaha stop!" She said screaming.
"Okay I'll stop na.. You should learn more! Okay?!"
She nooded. "Okay I want to learn more mom!"
"Okay.. First you have to know the basics." Yzian nooded.
"Back in the Philippines, when you're talking to elders you should say "po" and "opo" as a sign of respect to them."
"Ppoow"
"Oppow"
I laughed and hugged her tiny body. "Arte much Yzian? Hahahahaha"
She crossed her arms and pouted "hmmp, you're laughing at me!"
I kissed her pouted lips "sorry baby, I love you,...you'll do better when we get Back to the philippines"
"When?? You always says that." Sagot niyang iritable.
I kissed her forehead and said, "soon baby, soon"
Sa sinabi niyang yon ay napaisip ako.
Handa na ba akong bumalik sa pilipinas?
Handa ko nabang harapin ang pamilya ko?
Handa na ba akong harapin ang media?
Handa na ba akong ipakilala ang anak ko?
Handa na ba akong lumimot at magpatawad?
I came back to my senses when I noticed that my phone is hysterically ringing and vibrating. I checked who's calling and there I found oz. I immediately press the accept button.
"Ate..."
Kinabahan ako bigla ng marinig ko ang boses ng kapatid ko sa kabilang linya. Mas dumoble pa ang kaba ko at tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng unti-unti siyang kumawala ng mga pigil na ungol.
"Oz..anong nangyari?" Natatarantang tanong ko sa kanya.
"Ate si papa..."
BINABASA MO ANG
The One That Got Away
RomanceA story of selflessness and sacrifices | a shinian fanfiction story | compilation of my thoughts and imaginations |
