This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincindental.
Plagriasm is a crime.
© All Rights Reserved 2020
WARNING: There are some scene that can trigger your feelings and strong language. Please, READ AT YOUR OWN RISK!
•••
00
Nasa may backstage ako at inaayusan ng perosnal assistant namin ni Yuri. Ako na kasi ang magpe-perform. Simple lang ang make-up ko, hindi ganoon ka-kapal. Naka-lip gloss ako at 'yung buhok ko ay naka-half up. First time ko rin magpakulay ng buhok ngayon. It was colored ash grey.
Ayoko nga sanang mag-pakulay pero epal itong si Yuri at pinilit ako. Pagkatapos ko ay pinagpagan ko ang long skirt ko. Inayos ko rin ang cardigan top ko at ngumiti sa salamin.
"Ready ka na?" Tanong ni Yuri at ngumiti naman ako at tumango. "Pero bago 'yan, picture-an muna kita!"
Napailing na lang ako at pumwesto. Ngumiti na lang ako sabay ang pag-flash ng cellphone ni Yuri.
"Ayan, perfect!"
Maya-maya pa ay tinawag na ako ng Manager namin at saka na pumunta sa stage. Solo performance ko kasi ngayon.
Noong matapos ang performance ko ay kaagad na ako na bumaba.
"Galing mo!"
Agad na lumapit sa 'kin si Yuri. Si Yuri ang naging kasa-kasama ko rito sa France. Simple lang siya pero mahilig sa mga make-up stuffs. Naalala ko tuloy si Faye sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako. Nakaka-miss sila. Kamusta na kaya sila ngayon?
Hindi rin kasi ako masyadong tumatanggap ng mga tawag nila o texts. Sa tingin ko 'yun na rin 'yung way para makalimutan ko 'yung dati. Gusto ko mag-simula muli pero hindi na sa ganoong paraan. Tama naman ang naging desisyon ko na tanggapin 'yung offer nila three years ago.
Nu'ng una, natakot ako dahil hindi ko kakilala ang mga tao dito. Mabuti na lang at nakita ko si Yuri na taga-Pinas rin pala.
Mabuti na lang at natapos na akong nag-perform. Daretso na rin akong uwi nito dahil wala na rin naman akong ibang dadaanan.
"Sabay ka ba sa 'kin?" Tanong ni Yuri at umiling naman ako.
"Magta-taxi na lang ako," saad ko at tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi at saka na umalis. Kinuha ko ang gamit ko at saka na nag-abang ng taxi.
Mabuti na lang at meron agad dumating kaya sumakay na 'ko para makarating na 'ko kaagad sa apartment ko.
"Où es-tu, Madame?" Tanong nu'ng driver.
"Suivez simplement cet endroit," sagot ko at tumango siya at saka na nag-drive. Hindi naman talaga ako marunong mag-french, nagpaturo lang ako kay Yuri dahil alam kong bihasa na siya sa pagsasalita ng french. Matagal-tagal na rin kasi siya dito.
Pagkarating ko sa harap ng apartment ko ay nag-bayad na 'ko at saka na pumasok. Hindi gano'n kalaki 'tong paupahan at sakto lang para sa akin. May isang kwarto at banyo na para talaga sa isang tao. Nag-palit na 'ko ng damit at saka pumunta sa may study table ko at binuksan ang laptop ko para tignan kung anong ganap.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomantizmIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]