Chapter 1

602 37 33
                                        

Invisible in a World That Sees Too Much.



Nakapalumbaba ako sa bintana habang dinarama ang malakas at malamig na pag-ihip ng hangin. Hindi iyon masiyadong sariwa dahil sa init ng araw na nagpaparamdam sa akin ng kirot sa mukha, kaya umayos ako ng tayo at hinayaang nakabukas ang bintana para pumasok ang ihip ng hangin.

Kung puwede lang sigurong mamasyal na lang at magwaldas ay ginawa ko na. Kung mayroon nga lang akong pera. Nakakatamad na mag-aral, pero no choice ako kaya kailangan kong pag-igihan.

Nakakainis naman kasi, ba't kailangan pa mag-aral?

Habang nagpapahangin pa rin ako sa tapat ng bintana ay kumunot ang noo ko nang unti-unting makarinig ng mga yabag ng paa at kasabay niyon ang pag-alingawngaw ng buong pasilyo.

"Oh my gosh! Nandito na sila." I rolled my eyes and turned my gaze to the girl who said that.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang inis na nararamdaman ko nang umingay ang third floor ng building na ito kung saan napaliligiran ako ng mga feeling entitled na tao.

Lorence Zchekieser. He's got that cute, gentlemanly vibe—until he opens his mouth. One question in, and suddenly you're trapped in a never-ending TED Talk. Oh, and he's Australian... I think.

Mahigit na nasa 22.5K din ang followers niya sa social media at may fan's club pa siya, Baby's ang name. Cringe.

Second is Mark Russell Westbrook. The playboy. He loves partying and makes a hobby out of breaking hearts. Any girl he vibes with ends up just another chapter in his ever-growing collection. He's got that classic British charm too—smooth accent, well-dressed, always flashing that smug little grin like he knows he's irresistible. Feeling din e.

Siguro ay nasa 21.2K ang followers niya sa social media.

Third is Tayler Vrekyston. He's kind—like the textbook "dream guy" every teenage girl secretly writes about in her diary. Tall, all-American, with that James Dean glint in his eyes, like he probably played varsity football and never let anyone forget it. But don't be fooled—he's cold, a little snobbish, and carries himself like he knows he's a fantasy. Barely tries, still gets all the attention. Classic.

And last! Froilan Casterñado. He's the most annoying out of all of them. You know the type—your classic varsity MVP who thinks the world revolves around him. Always out with a different girl, flashing that confident smirk like he's in some teen rom-com. He's got that fiery Spanish energy too—loud, passionate, always the center of attention. Honestly, it's exhausting... and somehow weirdly entertaining.

9.3M ang followers niya sa social media.

Pilit kong pinapakalma nag sarili ko dahil sa nakabibinging hiyawaan at tiliaan ng mga kababaihan. Sunod-sunod na napailing na lang ako nang may makitang nagtutulakan pa dahil sa kilig.

Nang dumaan sila sa harapan ko ay nakita kong nakatitig sa akin si Froilan, pero inikutan ko lang siya ng mata at tumingin ako kay Tayler. Palihim na hinahangaan ko lang siya. Since Grade 11 ay nakuha na talaga niya ang atensyon ko, pero ayokong mapalapit ang landas namin.

Diretso lang ang tingin ni Tayler at walang pakialam sa paligid. Mga ilang hakbang lang nang pumasok sila sa room namin at kasabay niyon ay ang unti-unting paglaho ng mga estudyante sa paligid. Narinig ko na ring tumunog na ang bell, hudyat na kailangan nang pumasok sa kaniya-kaniya nilang silid.

Papasok na rin sana ako sa room namin nang may biglang tumamang bola sa mukha ko. Tila umalog ang ulo ko dahil doon, nakaramdam din ako ng pagkahilo at kirot dahilan upang ang aking mga luha ay nag-babadyang tumulo.

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon