Chapter 18

106 13 0
                                        

Sin Miedo.



Yakap-yakap ko ang sarili ko habang nilalamig sa bawat dampi ng hangin dito sa gym. Sa kabila ng dami ng taong nagtipon, mga estudyante, guro, at staff, tila ba ako lang ang giniginaw. Nasa unang palapag kami ngayon, harap na harap sa stage, kaya kitang-kita kami ng kahit sinong mapalingon mula roon. Wala akong kawala.

Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa plastik na upuang parang mas malamig pa sa hangin. Ang lamig, nakakainis... ni hindi pa naman taglamig. Oktubre pa lang. Pero mas naiinis ako sa ingay. Ang mga bulungan sa paligid, parang mga bubuyog na kumakalkal ng tenga ko. Mababaw, oo, pero nakakapuno.

Pakiramdam ko'y nasa lugar ako na ayaw ko namang puntahan. Wala akong choice dahil kailangan.

"Hoy, girl! Kanina ka pa nakasimangot. May regla ka ba?" Salubong ang kilay kong tumingin kay Zavry na kaswal lang na ngumunguya ng chips sa kaliwa ko.

"Obviously. So kung ayaw mong mapag-initan, zip it." Napailing siya, pero natawa rin bago muling humarap sa stage. Ako naman, balik sa pagyakap sa sarili habang sinusubukang kumalma. Hindi naman ako galit sa kanya—mas sa hormones ko talaga.

Maya-maya, sumabog na naman ang gym sa hiyawan. Napapikit ako sa lakas, tapos napalingon sa entrance. Papalapit si Dean kasama ang assistant niya at 'yung apat na mokong na parang mga modelo sa runway kung makalakad. Ang taas ng noo, ang kurba ng ngiti, parang may sariling theme song.

Feelingero. Akala mo talaga may pa-slow motion effect. Kulang na lang, may wind machine sa likod.

Inikutan ko sila ng mata at ibinalik ang pansin sa stage. Sa gilid ng paningin ko, napansin kong may umupo sa kanan ko, walang iba kundi si Froilan. Nakangiti. Hindi 'yung usual pilit na smirk niya, kundi genuine.

Tumingin ako sa harapan para iwas tingin, at doon ko lang napansin na wala si Mavis. Si Lorence at Russell ay nasa tabi ni Zavry, at si Tayler ay nasa kabilang side ni Froilan. Tumango pa nga sa 'kin kanina.

Okay na kami, wala nang bigat. Pero bakit parang 'yung bigat na nararamdaman ko ngayon, galing sa ibang tao?

Bricelle, huwag ngayon. May regla ka. Hindi ito ang tamang panahon para ma-fall.

"Good morning! Miss me?" bati ni Froilan. Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay ngisi.

"Miss mo mukha mo. Stop talking to me at makinig ka na lang sa unahan."

Bumaling na ako sa unahan kung saan paakyat na si Dean sa stage, at nanlaki ang mata ko nang mapansing si Mavis ay nasa tabi niya.

What the— Paano siya napunta ro'n? Hindi ko naman siya nakitang sumabay kay Dean kanina.

"Good day, students," panimula ni Dean, confident at kalmado ang boses. "I believe most of you already have an idea why you've all been gathered here."

The gym buzzed with different voices—whispers, reactions, a few nervous giggles. Dean let out a small laugh in response.

"Relax, everyone," he continued with a smile. "I called for this assembly because of an important announcement. I know you're all curious and a little impatient—understandably so."

May mga natawa sa crowd habang ako, tahimik lang.

"Now then, let's begin."

Mavis stepped forward and handed Dean a sheet of paper. He accepted it with a nod, then turned back to face the crowd, a confident smile spreading across his face.

Dean cleared his throat and began, "First of all, I regret to inform you that the Grand Ball, originally scheduled for November, has been canceled due to a conflict in our academic calendar."

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon