PAALALA: Ang araling tinatalakay sa kabanatang ito ay batay sa isang tunay na isyu sa ating kasaysayan. Gayunpaman, ito ay nananatiling paksa ng pagtatalo at diskurso hanggang sa kasalukuyan, sapagkat hindi pa rin lubos na malinaw kung alin ang katotohanan at alin ang hindi. Ang mga pananaw na inilahad dito ay pawang opinyon ng may-akda, na bunga ng masusing pag-aaral at pagsusuri.
Ang larawang ipinakita sa itaas ay bahagi ng pananaliksik na layuning bigyang-hustisya at suporta ang panig na pinaninindigan ng may-akda. Tinalakay sa kabanatang ito ang kontrobersyal na isyu ng sinasabing retraction ni Dr. Jose Rizal, at kung paano ito naiiba sa kanyang huling liham na "Mi Último Adiós"—isang liham na itinuturing na selyo ng kanyang paninindigan at paninwala hanggang sa kanyang kamatayan.
____________________________________________________________
Sa Gitna ng Gulo, Tahimik ang Sigaw.
Buong afternoon subject ay lutang ako at walang maintindihan sa mga tinuturo ng mga instructor namin. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Froilan kanina, kahit pinipilit kong hindi maalala iyon.
"Naiisip mo ba na sana hindi nangyari 'yon para hindi tayo ganito?"
Linyang paulit ulit sa pandinig ko na parang sirang plaka. Masakit na ang ulo ko kakaisip sa sinasabi niya, pero gusto ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit niya iyon isinigaw at bakit din ako apektado ro'n.
Bakit ba kasi? Bwisit naman!
Hindi ko muna inisip iyon at sakto namang pumasok sa alaala ko ang pinapagawa ni Dean. Event? Ano kayang pwedeng gawin?
"Alam ko na!" masayang sambit ko. Natigilan ako nang makitang tumingin sa akin ang lahat ng kaklase ko at nahiya ako nang mapagtantong may teacher pa pala sa harap.
Ang malas naman!
"Binibining Holdler. Tila yata may sarili kang mundo at kung ano-ano ang iyong nababanggit," sabat ng pinakamabait na instructor namin.
Señora Villanueva.
Subject niya ang favorite ko. History. Pero maraming naiinis sa kanya— at isa ako ro'n, dahil sa taglay na katarayan nito. Porket matandang dalaga ay napaka kj na sa'aming mga kabataan. Subalit kahit gano'n ay magaling naman siya magturo at buhay ang diwa ko sa subject niya.
"Binibining Holdler!" Naputol ang pag-iisip ko nang bigla n'ya akong tawagin muli. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako tulala at kanina niya pa ako tinatawag.
Hindi naman po ako binge.
"Binibining Holdler! Ano ba't hindi ka makausap? Ngayon ka lang naging ganyan. Hindi ka siguro nakikinig sa akin," sambit niya at nakataas ang manipis nitong kilay habang naka-cross arm itong humarap sa akin.
"Po? Ako? Nakikinig po ako, Señora," sagot ko. Nakangising sinuri niya ako.
"Oh s'ya, kung totoong nakikinig ka, kailangan mong masagot ng tama ang itatanong ko," aniya. Tinignan ko ang paligid at lahat ng kaklase ko ay nakangiti at inaabangan ang sagot ko.
"Sige po señora, tinatanggap ko," taas noong sagot ko sa kanya. Ngumiti ito at mayabang na humarap sa akin.
"Ang katanungan na ito ay ukol sa isyu na ating pinag-uusapan ngayon kaya nais kong makinig kayo ng mabuti at tingnan kung may mapupulot na aral." Tumango ang mga kaklase ko at sa amin ang sentro ng atensyon.
"Anong masasabi mo tungkol sa isyu ng retraksyon ni Dr. Jose Rizal noong 1935? Sa tingin mo ba'y totoo ang sinasabing pag-urong niya sa kanyang mga paniniwala?" tanong niya. Napaisip muna ako saglit at nang maalala ay ngumiti ako sa kanya, sabay taas noong humarap sa lahat.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
