Goodbyes Don't Have to Hurt.
Makalipas ang ilang araw, unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam ko. Bumabalik na ang lakas ni Lola, at kahit hindi pa siya tuluyang malusog, sapat na iyon para makahinga ako nang mas maayos. Sa mga nagdaang araw, naging abala kami sa pag-aayos para sa nalalapit na school event. Pinagplanuhan namin nang mabuti ang magiging flow, pati na rin kung sino ang ilalaban sa pageant.
May naisip na rin kaming mga ibebenta para sa mini shop, kung saan hindi lang produkto ang puhunan kundi pasensya at teamwork na rin. At siyempre, hindi rin namin nakalimutan ang hatol ni Dean—nakahanda na ang mga katawan, mop, at dustpan para sa community service na para bang ginawa naming group bonding ang parusa.
Kasalukuyan kaming nasa opisina ni Dean, pero sa sikip ng tensyon sa loob, parang lumiliit ang espasyo sa bawat segundo. Tahimik kaming lahat at walang gustong magsalita, walang naglalakas ng loob tumingin sa mata ng dean. Sa gilid, tahimik lang ang kanyang sekretarya, parang bantay na handang umeksena kung sakaling may sumabog.
"Froilan and Tayler," malamig pero klaro ang boses ni Dean. "Can you tell me what you were doing in the gym while everyone else was panicking? Fighting? Really? Why?"
Kalma lang ang postura ni Froilan na nakasandal, nakabrusko, parang wala lang. Samantalang si Tayler, maayos ang upo pero halatang pilit ang composure. Buti na lang nasa likod nila ako. Kung ako ang nasa gitna, baka nahimatay na 'ko sa kaba.
"Just a tiny thing, Dean," sagot ni Tayler, pilit ang ngiti.
Matalim ang tingin na ibinigay sa kanya ni Dean. Halos mamilipit ang leeg ni Tayler sa pag-iwas ng tingin.
"Be honest. Both of you. Dahil ibang level ng parusa ang ibibigay ko kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo." Biglang dumagundong ang mesa sa lakas ng hampas ni Dean. Napalunok ako. Sa gilid, nakita kong napabuga ng hangin si Froilan, halatang ini-stretch ang pasensiya.
"Because of a girl. There. Happy?" ani Froilan, may halong sarkasmo.
Napairap ako at nahampas ang sarili kong noo. Froi, seryoso?
Parang kilala ko kung sino 'yong tinutukoy niya...
"And who is this lucky girl?" tanong muli ni Dean.
Nagpalit ang kulay ng mukha ko. Umiwas ako ng tingin. Hindi. Hindi ako 'yun.
"Miss Holdler," sagot ni Froilan.
Parang tumigil ang mundo ko. Nanigas ang katawan ko, at sa sobrang panlalamig ng pakiramdam ko, hindi ko na maramdaman ang sarili kong kamay.
Sabi ko na nga ba. Ako na naman.
"Miss Holdler, Mr. Casterñado, Mr. Vrekyston, at pati mga kaibigan n'yong saksi pero tahimik—lahat kayo may parusa," mariing sabi ni Dean.
Sabay-sabay kaming napaangat ng ulo. "Ha?!"
"Dean, teka lang! Bakit po kami madadamay?" reklamo ni Lorence, sabay nguso sa dalawa.
"Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Hindi niyo man lang ako naabisuhan na may tensyon na palang ganito. Mga magkakaibigan kayo, 'di ba?" Tumayo si Dean at tumitig sa amin isa-isa. "At dahil lang sa isang babae."
Tahimik kaming bumalik sa mga upuan namin. Walang gustong sumagot. Parang mga batang napagalitan.
"So here's the deal. Kayong lahat ang magiging cleaning committee ng building natin at gymnasium habang may event. From Monday to Friday. Dismissed."
At bago pa kami makatanggi ulit, pumasok na si Dean sa inner office niya, iniwan kaming naglalaway sa inis.
"Nakakainis naman!" reklamo ni Lorence. "Ang gulo n'yong dalawa!"
BINABASA MO ANG
High School Popular
Dla nastolatkówShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
