When the Past Catches Up.
Froilan POV
Hindi ako mapakali.
Kanina pa ako nakaupo sa sahig ng hallway, sa labas ng kwarto niya, pero pakiramdam ko parang ilang oras na akong nababaliw. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong kinurot 'yung daliri ko, para lang siguraduhing gising pa ako—na totoo 'tong nangyayari.
Pero eto nga. Gising ako.
Kahapon lang, pagkatapos ng laro... nawala siya.
We just won, damn it. Dapat masaya 'yung moment. Pero I ran to the bleachers to check her—wala siya ro'n.
"Nasaan si Bri?" tanong ko agad kina Mavis.
Nagkatinginan lang sila ni Zavry, parehong clueless. Bad sign.
"Bibili lang daw ng tubig," sagot ni Mavis. "Pero ang tagal na niyang wala."
Humugot ako ng hangin. Kinuha ko agad ang phone ko. One ring. Wala.
Cannot be reached.
Putang— Hinulaan ko na lang kung saan siya puwedeng mapunta. "Let's check the cafeteria."
Pagdating namin doon, derecho ako sa tindera. "'Te, may babaeng bumili ba dito ng tubig kanina? Long hair, medyo maliit, pretty as hell?"
Tumango si Manang. "Meron. Pero pagtingin ko ulit, wala na. Akala ko nga may sinamahan lang."
Hindi ako umimik. Tumingin ako kina Mavis. "Wala."
At doon, parang may kumurot sa dibdib ko.
Then my phone rang. Unknown number.
Sinagot ko, speaker mode.
"Hello?"
"This is Mr. Froilan Casterñado, yes? Son of Dean Morales Estevos Casterñado?" Seryoso? Sino 'to?
"Yeah. Who the hell are you?"
"You don't need to know. But Miss Bricelle Holdler is in the hospital. She needs you—now."
Tumahimik kami. Parang may bombang sumabog sa pagitan namin.
"Excuse me?" sagot ko. "How do you know her? Don't pull this kind of stunt. I swear, if this is some psycho joke—"
"She's in West Christ Hospital. If you don't want to come, fine. Pero sana hindi ka magsisi."
And just like that—binaba niya ang tawag.
"What the—" Hindi ko na tinuloy. Hindi ko na kaya. Umiinit na ulo ko.
"Baka prank lang," sabi ni Lorence.
Pero 'yung itsura ni Mavis halos maiyak. At ako? I couldn't even speak. I hate this feeling—'yung wala akong magawa.
Biglang singit ni Zavry, "Let's call her sister. That's the only way to know."
Sh*t.
Napatingin ako agad. Alam na nila kung sino talaga ang ate ni Bri. Not good.
"Tingin mo, Froi?" tanong ni Mavis. Diretso sa mata.
"I don't know," bulong ko. "Ayokong mas lalong mag-worry siya..."
Alam kong kahit gaano katapang ang ate ni Bricelle, basta kapatid na ang usapan... wala na siyang pake kung sino ang madamay. And I don't want my friends involved in that kind of mess.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Novela JuvenilShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
