Chapter 10

131 17 0
                                        

⚠️ Disclaimer: This chapter contains sensitive themes including violence, attempted assault, cursed words, and emotional distress. It may be triggering or uncomfortable to some readers.

Please proceed with caution or feel free to skip this chapter if it becomes too overwhelming.
Read at your own risk. Your well-being matters.

___________________________________________________________

Falling for the Safe Danger.

Zavry POV

Pagod na pagod akong kumuha ng damit sa locker at nagpalit sa banyo. Nagkawatak-watak na kaming tatlo dahil may gagawin daw si Mavis, and of course, as a president of this campus kailangan niyang gawin iyon. Si Bricelle naman ay biglang nawala, kaya ako na lang ang mag-isa.

Pagkatapos makapag-palit ay pumunta ako sa office ni Mrs. Flores upang sabihin na handa na kami sa gagawing performance sa bukas.

"Come in!" sigaw nito sa loob nang kumatok ako.

"Miss Stailerson? May kailangan ka ba, hija?" anito. Lumapit muna ako sa table niya at tumungo.

"Sorry to cut in, ma'am. Gusto ko lang po sanang sabihin na ready na 'yung group namin for the performance," sabi ko sabay ngiti.

Nang makita ko 'yung satisfied smile niya, tumango na lang ako bilang pamamaalam.

"I'll send the record later, ma'am. Kayo na pong bahala sa kanya," tukoy ko sa voice record. Tumango siya kaya tumalikod na ako at dumeretso palabas ng office.



Nasa parking lot ako ngayon, abala sa paghahanap ng susi ng kotse sa bag ko. Bigla akong napatigil nang may sumitsit mula sa likuran. Napalingon agad ako, pero... wala namang tao.

Creepy.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at nag-focus na lang ulit sa paghahanap ng susi—na, honestly, wala akong ideya kung saan ko naitago. Dito lang naman sa maliit kong bag... I guess?

St*pid! Nasaan ba 'yon? Naiirita na akong kinapa-kapa pa rin 'yung loob ng bag.

"Hi, miss beautiful. Need help?" Napaangat ako ng tingin sa lalaking biglang sumingit sa moment ko. Nakaramdam 'agad ako ng takot, dahil may kasama itong dalawang lalaki.

"Sorry, I don't need help from a stranger," malamig kong sambit sabay irap. Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ang paghahalukay sa bag ko.

Nasaan ka ba kasi, susi? Naiinis na talaga ako.

"Ang taray mo naman, miss. Sumama ka na sa amin, mag-eenjoy ka pa," may halong pang-aalaska na sabi nito.

Napabitaw ako sa bag nang bigla siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko. Sa sobrang gulat at takot, agad akong pumalag.

"Ano ba! Lumayo nga kayo sa 'kin!" sigaw ko habang pilit na pinapalagan ang kamay niyang nakahawak sa siko ko.

May lakas pa ako kaya nagpumiglas ako, pero...

"'Wag kang maarte! Hawakan niyo siya!" utos niya sa dalawa pa niyang kasama.

Ang bilis ng lahat. Wala na akong nagawa nang bigla nilang agawin ang dalawa kong kamay—hinigpitan nila ang kapit na parang ayaw na talaga akong pakawalan.

Natatakot na ako... sobra.

Please... someone. Anyone... help me.

"Bitawan niyo ako! Guard! Tulong!" sigaw ko habang pilit pa rin akong pumapalag kahit nanginginig na ang buo kong katawan sa takot.

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon