Chapter 17

106 13 1
                                        

In the Space Between the Lines.

                 

                    

Bricelle POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang bahagyang kirot sa aking sentido. Napabalikwas ako nang mapansin ang malambot na higaan sa ilalim ko. Inikot ko ang paningin ko—pero wala akong makita. Madilim. Tahimik.

Nasaan ako?

Tinangka kong bumangon, pero biglang umikot ang paligid. Para akong nahulog sa alon at sa sobrang hilo, bumagsak ulit ang likod ko sa kama. Huminga ako nang malalim, sinusubukan pakalmahin ang sarili. Paglingon ko sa kaliwa, nanlaki ang mga mata ko.

Si Froilan. Nakahiga. Nakapikit. Mahimbing ang tulog.

Anong ginagawa niya rito!?

Mabilis akong napaupo, pero napahinto rin agad. Hindi dahil sa sakit o hilo, kundi dahil sa nakita ko.... wala siyang suot na pang-itaas. Napatitig ako. Seryoso, hindi ko ginusto, pero parang awtomatikong nag-lag ang utak ko.

Napalingon ako agad sa sarili ko, at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Suot ko pa rin ang uniform ko kagabi. Hindi man komportable, at least buo pa ang dangal ko. Pagbalik ng tingin ko sa kanya, muling kumunot ang noo ko.

Paano ako napunta rito? Anong nangyari kagabi?

Bigla siyang nagsalita, hindi pa rin idinidilat ang mga mata.

"Good morning. Stop staring at me... and at my body. Baka matunaw," sambit niya, may bahid ng ngisi sa boses niya.

Napatigil ako. Parang sinabuyan ako ng kumukulong tubig.

"Bwesit!" Napabangon ako bigla... pero dahil sa pagmamadali, nadulas ako sa gilid ng kama at bumagsak sa sahig. Napangiwi ako habang hawak ang balakang.

"Bricelle! Okay ka lang?" Mabilis siyang lumapit, pero masama ang tingin ko sa kaniya habang pilit akong tumatayo.

"Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito? At BAKIT katabi kita sa kama?" Sunod-sunod ang tanong ko, hindi alintana kung gaano ako kalakas.

Ngumiti lang siya. Tumayo't umupo sa kama, parang wala lang nangyari. Napatingin ako ulit sa kanya, mula ulo... hanggang sa katawan niya...

T*ngina, ayoko na. Agad kong tinakpan ang mga mata ko.

"Wala ka bang balak mag-damit?" iritadong tanong ko.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Didn't you remember last night?" Saka siya napangisi, kunot ang labi niya na parang may alam akong hindi.

Nanlaki ang mga mata ko. Pilit kong inalala ang nangyari sa restobar kung saan ako nagtatrabaho. Pero ang tanging naaalala ko lang ay 'yung kanta ko, 'yung pag-iyak ko sa harap niya. At 'iyong... halik.

Nanlaki ang mata ko. Nang mapatingin ako sa kanya, lalong ngumiti pa siya.

May nakakalimutan pa ba akong alalahanin? Pilit kong inaalala ang nangyari...

                               

                                    

"I'm proud of you..." Sa halip na sumagot, lumapit siya. Ang mga mata niya, diretso sa mga mata ko. Walang galit. Wala ring biro. Tahimik.

Mainit ang palad niyang dumikit sa pisngi ko. And then, without warning—

He kissed me.

Hindi lasing na halik. Hindi biro. Hindi sinasadya lang. Kundi 'yung halik na parang sinasalo lahat ng sakit ko. Matagal. Hanggang kusa akong napapikit at nalimutan kong umiiyak pala ako.

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon