Chapter 21

109 11 3
                                        

Familiar Strangers.

Pagdilat ko, mabigat pa rin 'yung ulo ko. Sandali akong naghintay bago bumangon. Tahimik ang kwarto, pero hindi nagtagal—

"Bricelle, iha! Bumangon ka na, malelate ka na!" sigaw ni Lola mula sa kusina.

Napabuntong-hininga ako, tinakpan sandali ang tenga, tapos tumayo na rin at diretso sa banyo.

Pagkatapos mag-ayos, umupo ako sa mesa. Tahimik lang akong kumain habang si Lola, tulad ng dati, may paalala.

"Sayang 'yung pagkain kahapon. Ang daming gutom, tapos ikaw hindi mo man lang tinikman."

Wala akong nasabi. Nakalimutan ko talaga. Ang dami kasing nangyari kahapon.

"Sige na, umalis ka na riyan. Ma-late ka pa," dagdag niya, sabay abot ng bag ko.

Napakunot noo ako. Akala ko galit siya. Pero nang makita kong tinapay na isiniksik niya sa loob, nawala rin 'yung kaba ko.

"Salamat po," mahina kong sabi bago lumabas.



Habang naglalakad papunta sa quadrangle, naalala ko 'yung nangyari kagabi. Hinatid ako ni Froilan. Tahimik lang 'yung biyahe. Inaya pa siya ni Lola kumain, pero pinauna ko na siya.

Hindi dahil ayokong nandun siya. Kundi dahil nahihiya pa rin ako sa kaniya.

"Bricelle, hoy!"

Napabalik ako sa ulirat nang maramdaman ang tulak ni Mavis. Doon ko lang napansin na nasa gitna na pala ako ng quadrangle. Abala na ang bawat section sa pag-aayos ng kani-kanilang booth.

"Paki-check nga kung okay na 'yong marriage booth at message booth," sabi niya habang abala sa paglista.

Tumango ako at agad nagtungo sa dulo ng quadrangle. Nang makita kong maayos na ang set-up, nilagyan ko ng check sa listahan at bumalik sa harap.

May maliit na stage na rin sa unahan—para sa pageant. No'ng araw ng botohan kung sino ang ilalaban, ako at si Froilan ang napili para sa section namin. Nag-raise ng concern sina Mavis kasi organizer din ako, pero napapayag rin sila ni Miss Alcantara.

"Lahat ng organizers at student council officers, paki-punta rito saglit. May quick briefing lang tayo," sigaw ni Mavis gamit ang megaphone.

Isa-isa namang nagsilapitan ang officers, pati kaming magkakaibigan.

Abala si Mavis sa pagsasalita sa harap namin pero ang focus ko, nawala agad nang may maramdaman akong mainit na hininga malapit sa tainga ko.

"Hey," bulong ng pamilyar na boses—mahina pero buo, may halong ngisi.

Napalingon ako at bumungad ang mukha ni Froilan. Nakatagilid ang ulo niya habang nakangising parang walang ginagawa mali.

"Froi," irap ko. "Ang lapit mo. Baka may makakita."

"E ano ngayon?" sagot niya, hindi man lang lumayo. "Wala naman tayong tinatago, 'di ba?"

Kinunot ko ang noo. "Excuse me? Hello? Sa buong school ba talaga tayo aamin?"

Umiling siya, bahagyang tumawa. "Hindi ko naman sinabi na aamin tayo. Sabi ko lang, wala tayong tinatago." Tapos ngumisi ulit. "Kung gets nila, edi gets."

Napairap ako, pero ramdam kong namumula na 'ko. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o inis. O both.

"Grabe ka. Gusto mo talagang pag-usapan tayo ng buong building?" bulong ko ulit habang pasimpleng tumitingin sa paligid.

"Wala naman tayong ginagawa, ah," sabay ngisi habang pasimpleng inilagay ang kamay niya sa bewang ko.

Napaatras ako ng bahagya. "Wala nga? Eh 'tong hawak mo, friendly touch lang ba 'yan?"

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon