Chapter 4

191 21 3
                                        

The Calm Before the Storm in My Chest.



Nakangusong nakapalumbaba ako ngayon sa room namin dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Ako na nga ang nagmagandang loob, ako pa ang masama. Dahil sa halimaw na iyon ay kakaonti lang ang pinag-aralan ko ngayon sa history.

"Bri," pagtawag sa 'kin ni Zavry kaya walang gana akong lumingon sa kaniya. Nawalan talaga ako ng gana ngayon dahil sa Froilan na 'yon.

"Are you done na ba sa assignment in history?" tanong niya. Bagsak ang balikat na kinalikot ko ang bag ko at kinuha ang notebook, sabay hagis sa kaniya kaya tuwang-tuwa naman s'yang nasalo ito.

Hindi naman sa madamot ako, matagal ko na kasi silang hinahabilan na h'wag laging umasa sa 'kin dahil darating ang araw na kapag hindi na nila ako kasama, kanino na lang sila aasa? Ayoko naman silang mapag-iwanan.

Sunod-sunod na napailing na lang ako kay Zavry. Ang motto talaga niya sa buhay ay gawin sa paaralan ang mga homework. Gano'n siya kasipag.

Nang dumating ang instructor namin ay mabilisan kong kinuha ang notebook ko kay Zav— ikinagulat niya iyon pero kalaunan itinago na rin niya ang kaniya nang mapagtanto ang nangyari. Ang lahat ay umayos na nang pumunta na sa gitna si Ma'am.

"Good morning, everyone!" masiglang pagbati nito. Siya si Miss Alcantara, ang English teacher namin.

Napakabait niya at sobrang cheerful, kaya kahit bagsak na ang talukap ng mata namin, nakukuha pa rin namin maging masigla nang dahil sa kaniya. Bago kasi magsimula ng klase ay may pa warm up muna.

"Alright, class, before we begin, I'd like everyone to please stand," aniya. Sinunod namin ito at ang iba ay nagbabanat na agad ng kanilang mga buto.

Ang mga lalaki ay nakangiting aso habang nakatingin kay Miss— maganda kasi siya at mukhang high school lang din. Kung hindi nga siya naka-uniporme na pang guro ay magmumukha rin s'yang estudyante na kaklase lang namin.

"Next is—" naputol ang sasabihin niya nang may biglang pumasok na halimaw. Tila naghahabulan pa ang kaniyang hininga habang nakatuon ang kamay sa hita nito.

"Once again, you've arrived late, Mr. Casterñado. I'd appreciate it if you could make an effort to be on time." Lahat ay natigilan. Naging sentro ng atensyon si Froilan at ang instructor namin.

"My sincere apologies for arriving late, Miss. I accompanied a friend to the Dean's office as she is a transferee, and the meeting took longer than expected. I felt it was important to ensure she was properly—"

"Mr. Casterñado, I understand there may be reasons, but as someone others look up to, I expect you to lead by example. You are expected to consistently embody the character and values that all students should uphold. Alright?" Tila may dumaan na anghel sa kapaligiran namin.

Tumindig si Froilan nang makarinig ng iba't ibang bulungan sa mga kaklase. Makikita sa kanyang mukha na tila napahiya siya.

"Kindly take your seat now." Though his brows were drawn together, he simply nodded and walked toward me—and in that moment, our eyes met, unavoidably, as if the world paused just for us.

I was caught off guard by what I felt—but I convinced myself it was just anger. As he walked closer, I turned my gaze away, choosing to ignore him rather than face the confusion inside me. I quietly went back to finishing the warm-up we had started earlier, letting the moment pass without another thought.



Matapos ang warm-up ay nag-review kami ng topic last week. Mabuti na lang at napag-aralan ko iyon kagabi kaya hindi mahirap sa 'king sumagot. Kalaunan ay natapos din naman kaya binigyan na kami isa-isa ng test paper dahil mayroon kaming long quiz ngayon. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinuon na ang pansin sa papel.

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon