The End, The Beginning.
Maliwanag ang araw sa ibabaw ng CLIS campus. Ang tunog ng camera clicks, iyakan ng proud na magulang, at tawanan ng mga estudyante sa kani-kanilang toga ang bumalot sa paligid. Graduation day na.
At sa wakas... bumalik na si Bricelle Holdler.
Tahimik ang mga bulungan nang makita siyang muling maglakad sa campus—matikas, maayos, pero hindi na kagaya ng dati. Hindi na siya 'yung Bricelle na nagtatago sa anino ng takot. She had been to hell and back, and it showed.
Suot ang black toga at gold sash, she sat with her batchmates. Sa kanan niya, si Zavry—pumapadyak pa ng invisible heels, as usual. Si Mavis, halos maubos na ang tissue sa kaiiyak. Russell, cool lang as ever, habang si Lorence ay halatang hirap na hirap sa pagkakasuot ng necktie.
Sa kabilang side ng hall, naroon si Froilan.
Nakatayo, nakasuot ng formal wear, tahimik. Pero nung nagtagpo ang mga mata nila ni Bricelle, sapat na 'yung isang tingin. Hindi na nila kailangang magsalita.
They both made it. They both survived.
At nung tinawag ang pangalan ni Bricelle—
"Bricelle Zyn D. Holdler, with High Honors!"
Tumayo ang mga guro. Pumalakpak ang buong auditorium. Napangiti si Quinn sa audience habang si Mr. Holdler, kahit composed, hindi maitago ang proud sa mata.
Bricelle walked up the stage. Tinanggap ang diploma niya. At sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang lahat ng trahedya, ng paghihirap, ng mga lihim, ngumiti siyang parang tunay nang malaya.
Gabing iyon, sa Grand Ball.
Ang Crescent Hall ay naging parang fairy tale—may canopy ng golden lights, live orchestra, at mga kandilang nakapatong sa bawat mesa.
Nakatayo si Bricelle sa gilid, pinagmamasdan ang kaibigan niyang si Zavry na hyper na namang sumasayaw habang pilit hinihila si Mavis. Si Russell, Lorence, at Tayler ay abala sa dessert table. Si Quinn naman ay nag-aadjust ng takong habang kinakausap si Conor, na obvious na gusto nang umeskapo.
Then, Froilan approached.
Wala siyang dalang regalo. Wala ring matinding linya.
Just himself. Calm. Steady. Froilan.
"May I have this dance?" tanong niya, habang iniabot ang kamay niya.
Hindi na nagsalita si Bricelle. She took his hand.
Habang sumasayaw sila, nagbago ang musika—soft, classic, intimate.
"Ikaw 'yan... bumalik ka," bulong ni Froilan, halos pabulong lang sa tenga niya.
"I told you I would," sagot ni Bricelle. "Sin miedo, remember?"
Pinakita ni Bricelle and bracelet na binigay ni Froilan noon kung saan nakaukit ang salitang iyon.
Ngumiti si Froilan. "Hindi ko makakalimutan."
Wala nang halong takot.
Wala nang sikreto.
Dalawang pusong halos nadurog—ngayon ay buo na muli.
At sa ilalim ng mga ilaw, habang masaya ang mga kaibigan nila at tahimik ang musika, sumayaw sila nang para bang tapos na ang giyera.
Mainit ang gabi.
Magaan ang dibdib.
At sa wakas, nahanap na nila ang tahanan nila sa isa't isa.
"Once, I was a name buried under silence, a heart stitched with fear, but pain taught me truth, and love gave me courage. I rose not because I was unbroken, but because I chose to rise even in pieces. This life, with all its scars, is mine and I will wear it like a crown."
Wakas.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
