Blurred Lines and Racing Hearts.
Umupo ako sa lumang kubo sa garden ng school—tahimik, presko, at kahit pa luma na, may kung anong comfort 'tong lugar na 'to sa mga kagaya kong gustong mapag-isa.
Huminga ako nang malalim. Walang hikbi. Wala na ring pait. Tuyo na ang luhang kanina pa ako pinipigilan. Tahimik na lang ang loob ko. Hindi na masakit, pero may bakas pa rin ng bigat. Parang pagod. Parang gusto ko lang manahimik at huwag nang balikan ang lahat.
Siguro tama lang. Siguro sapat na 'yung nangyari para matauhan ako. Hindi niya ako pinili at okay lang. Hindi lahat ng gusto mo, para sa'yo.
"Hey, you okay?"
Napalingon ako. May bahagyang kilabot sa balat ko nang marinig ang boses mula sa labas ng kubo.
Si Froilan.
Hindi ako nagsalita agad. Nagtagpo ang paningin namin saglit bago ako bumaling pabalik sa harap.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko, medyo matigas pero hindi galit. Sinundan niya 'ko at umupo sa tabi.
"Wala. I saw you running here kanina. Umiiyak ka ata. Sinundan na kita. And... actually, dito rin naman talaga ako pupunta. Saktuhan lang," paliwanag niya.
Tumango lang ako, saka muling tumingin sa mga halaman sa harap. Tahimik. Wala munang usap. Pero sa totoo lang, 'yung presensiya niya... hindi nakakainis. Hindi rin ako nabibigatan.
"Did he hurt you?" basag niya sa katahimikan. Umiling ako. Tahimik lang, pero sigurado.
"Hindi na. Tapos na 'yon," sagot ko. Walang galit sa tono. Wala na rin luha. "May mahal siyang iba. And maybe... he really never saw me the way I hoped he did."
Huminga ako nang malalim.
"At least malinaw na ngayon. Tapos na 'yung tanong na 'bakit'. Hindi na rin ako umaasa. Minsan lang talaga, akala mo may ibig sabihin... pero wala pala." Tahimik siya. Nakatitig lang, parang may gusto siyang sabihin pero pinipili muna niyang makinig.
"Ang labo lang, Froi," sabay napangiti ako, bahagya. "Akala ko siya na talaga. Pero ngayon wala na siya, bakit parang mas marami akong iniisip kaysa dati?"
Napalingon ako sa kanya. "Lalo na kapag nandyan ka."
Napakunot ang noo niya. "Ako?"
"Oo. Hindi ko maintindihan. Minsan gusto kong asarin ka. Minsan gusto kitang suntukin. Pero kapag wala ka... parang may kulang."
Hindi siya agad sumagot. Pero 'yung ngiti niya—parang may meaning. Parang may alam siya na ako, hindi pa sigurado.
"Maybe that's something worth figuring out," sabi niya, pabulong pero malinaw. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako umiwas. Pero hindi rin ako sumagot.
Ngumiti siya. "Boang ka."
"Boang sa 'yo," dagdag pa niya.
Umiling na lang ako. "Ewan. Basta ang alam ko lang... okay na ako. Pero hindi ko pa alam kung saan ako susunod."
"You'll figure it out. And if you need company... alam mo kung nasaan ako."
Hindi ko man maintindihan pa ang lahat, pero kakaiba talaga 'tong si Froilan. At sa hindi ko rin maintindihan na dahilan... gusto ko pang manatili sa tabi niya.
Tahimik ang paligid. Walang ibang tao, walang ingay—parang pati hangin marunong makiramdam. Nakita ko siyang tumayo sa gilid ng kubo, hawak ang isang tangkay ng damo na walang ginawa kundi paikot-ikutin sa mga daliri niya. Parang antok na hindi mapakali. Parang may mabigat na gustong sabihin.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Fiksi RemajaShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
