Who I Am, Finally.
Bricelle POV
Somewhere between clarity and confusion, I float...
Ang tagal ko nang gising, pero pakiramdam ko'y hindi pa rin ako ganap na bumalik sa realidad. Nakatitig lang ako sa kisame ng ospital, habang patuloy na naglalayag ang isip ko. Walang galos, walang bali, pero ang ulo ko, parang may sariling bagyo.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw pa nila akong pauwiin. I'm fine. Physically, at least. Emotionally? That's a different story.
Pagmulat ko kanina, may isang lalaking nakaupo sa silya sa tabi ng kama. Nagpakilala siya bilang Conor. Akala ko nurse o doktor siya, pero hindi. "Your personal bodyguard," aniya. "And your assigned field spy."
A bodyguard? A spy? Anong kalokohan 'to?
"Hoy, seryoso ka ba? Spy? Bodyguard? Mukha ba akong anak ng prime minister sa 'yo?" iritado kong tanong habang nakataas ang kilay. "Hindi ako mayaman, hindi ako artista. Sa cartoons lang 'yan."
Nagkibit-balikat lang siya. "Signora, I'm not at liberty to explain. Please wait for your family."
Signora?
Nagdilim ang noo ko. Italian accent pa talaga. Pero sa halip na magpaliwanag, nanatili lang siyang nakaupo—tahimik pero alerto. Parang trained robot.
Gwapo sana, kaso mukhang delulu.
"Bahala ka sa buhay mo. Inaantok na ako. Pero warning lang ha? Kapag sinaktan mo 'ko habang tulog ako, sipa agad."
"Don't worry. I'm the one protecting you," malamig niyang sagot.
Tinalikuran ko siya. Protecting me from what?
Pagkagising ko ulit, may mahinang ingay akong narinig mula sa labas ng silid. Pabulong, pero may urgency. Dahan-dahan akong umupo kahit mabigat pa rin ang ulo ko. Paglingon ko, naroon si Conor. At si Lola. At...
Quinn?
Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa ni Quinn dito?
"Quinn?" tawag ko, halos hindi makapaniwala. Napalingon silang lahat. Nanlaki ang mata ni Quinn at dali-daling lumapit sa kama.
"Oh my gosh, Bricelle!" niyakap niya ako nang mahigpit, halos maputol ang hininga ko sa gulat. "I thought I lost you. I'm sorry. This is all my fault..."
"Wait, what are you talking about?" Kumawala ako mula sa yakap niya. "Ano bang kasalanan mo? And bakit ka nandito?"
Tahimik siya saglit. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinitigan ako sa mata.
"Promise me, you won't push me away after this." Napatango ako. Kahit litong-lito ako.
"I'm your twin. Myrtle Quinn Dy Holdler."
Parang may pumatak na yelo sa batok ko. Twin?
Bigla akong napahawak sa sentido ko. May mga imaheng bumalot sa utak ko—pira-pirasong alaala na hindi ko alam kung panaginip ba o totoo.
"Zyn loves Myrtle."
"Ate is always by your side, okay?"
"Zyn! Tara laro tayo."
"Ahh—" napasinghap ako sa sakit ng ulo.
"No matter what happens, ate is by your side."
"Zyn, are you okay!?"
"Call a doctor!"
"Bri!"
Nang tumingin ako kay Quinn, nakita kong tumulo na ang luha niya. Nilapit ko ang kamay ko para punasan iyon, kahit nanghihina pa ako.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Novela JuvenilShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
