The Weight of Wanting You.
Mavis' POV
Nagtama ang tingin namin ni Zavry habang nakatayo siya sa harap namin. Nasa likod kami ng gym at walang katao-tao. Tahimik ang paligid pero ang kaba sa dibdib ko, parang kulog na hindi bumibitaw.
Matagal-tagal na rin simula nang huli ko siyang nakita... pero gano'n pa rin ang presensya niya. Mabigat. Nakakatindig-balahibo.
"Hisashiburi da na, Maki."
Nanlaki ang mata ko. Napatayo ako ng tuwid. Narinig kong kumunot ang noo ni Zavry sa tabi ko.
"Sir... we don't understand what you're saying," pagsisinungaling ko.
Ngumisi lang siya, parang alam na niya ang lahat.
"I see. Anyway... how is she? Was it a mistake to come here?"
Umiling ako. "No, sir. It's an honor to see you here."
"She's fine... and doing great sa academics," dagdag ni Zavry. Pero pareho kaming hindi makatingin ng diretso. Parang kahit isang maling galaw, puputok ang lahat ng tinatago.
"If that's so, you can go back."
Agad kaming tumango, sabay mabilis na umalis sa lugar.
"Zav, natatakot ako," mahina kong bulong habang naglalakad kami. "Paano kung malaman ng daddy mo? O ng pamilya ko?"
"Kapag nalaman nila 'to, Mave... for sure, pagbabawalan nila tayong makisali. Lalo na't delikado ang pamilya ni Bricelle."
Niyakap ko siya para maibsan kahit papaano ang takot. Dahil totoo na hindi kami puwedeng madamay.
"Zav... para kay Bricelle naman 'to. Tinutulungan lang natin siyang manatiling ligtas." Pero kumalas siya, seryosong nakatingin sa akin.
"Alam ko. Pero minsan... parang tayo na 'yung lumulubog sa gulo. Puro siya, puro protection sa kanya... pero paano tayo? Paano pamilya natin kung madamay sila?"
Hindi ako nakasagot. Kasi may punto siya.
"Tutulong pa rin ako. Pero sana... sana hindi na lumala pa ang lahat," bulong niya.
Sa dami ng tinatago naming sikreto para kay Bricelle, minsan hindi ko na alam kung hanggang saan ang kaya naming itaya.
Oo, kaibigan namin siya. Oo, gusto naming tulungan siya. Pero kapag pamilya na ang posibleng madamay... sana tulungan din nila kami.
Bricelle POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Tayler, nagpasya na kaming bumalik sa gym. Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong kami ng nakakabinging hiyawan, tilian, at tambol. Parang lumindol sa dami ng energy ng mga tao sa loob, halatang sabik silang lahat sa laban.
"Bri! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ni Mavis, habang hinahawi ang mga taong nasa harapan niya. Napatingin siya sa akin, tapos kay Tayler, na agad namang tumango at dumiretso na sa team nila.
"Bati na kayo?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa harap. Napangiti ako't tumango. Sinulyapan ko rin si Zavry sa gilid, nakangiti siya habang hawak ang pom-poms na kulay pula at bughaw. Kumindat pa ito sa akin.
"Good. Tara na, doon tayo sa harap. 'Yong ibang student council nagbabantay kung may pasaway pa sa crowd," wika ni Mavis. Tumango lang ako't sumunod sa kaniya.
Ilang minuto lang ang lumipas nang magsimulang magsalita ang announcer para ipakilala ang mga players. Halos sabay-sabay nagtayuan ang mga estudyante. Nag-echo ang sigawan, parang mas lumakas pa kaysa kanina.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Novela JuvenilShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
