Chaos, Then You.
Froilan POV
This is it.
Ito na talaga 'yon.
Kailangan kong linisin ang pangalan ng banda namin. Ayusin ang imahe namin, lalo na 'yung sa kanya. I owe her that much.
"Froi? Nakahanda na ang sasakyan mo." Narinig ko ang boses ni Mom mula sa baba. Tumayo na ako mula sa tapat ng salamin. Huling tingin. Ayos naman.
Tahimik akong bumaba ng hagdan. Nasa paanan na siya ng steps, nakaabang.
"Ma," tanong ko, medyo mahina. "Sigurado ka ba rito?"
Ngumiti siya. 'Yung tipikal na ngiti ni Mom kapag alam niyang tama siya at alam niyang kinabahan na naman ako. Nilapit niya ako gamit ang kamay at tinapik ang balikat ko para yumuko ng kaunti.
"Froi," mahinahon niyang sabi habang inaayos ang damit ko. "Sa tanang buhay ko, kailan ba ako nagkamali sa pagdedesisyon para sa inyo?"
Wala akong naisagot. Alam kong totoo naman. Never siya pumalpak sa mga ganitong bagay. She's the reason we're even still standing after all the crap.
"Ingat, baby boy!" sabay halakhak niya, biglang balik sa pagiging makulit. "Wish you all the best!"
Napailing na lang ako, pinipigilan ang ngiti. "Grabe ka, Ma."
Sabay sakay ko sa kotse. I started the engine. Nag-init agad ang dibdib ko, dahil sa halo ng kaba, excitement, pressure. Pero higit sa lahat... responsibility.
How I wish this works. Not just for me. But for her. Para sa amin.
Nandito na kami sa CLIS.
Pagbaba ko pa lang ng kotse, bumungad agad ang sunod-sunod na flash ng camera. Mga reporter, nakaabang. Mikropono, halos isalpak na sa mukha ko.
Dahil lang sa nangyari kahapon, ang dami na agad nilang kwento.
Kung ano-anong issue ang kumakalat tungkol sa banda, sa akin at nadamay pa si Bricelle.
Kaya napagdesisyunan na namin ni Dad na magkaroon ng press conference pagkatapos ng coronation. We invited the media today, para linawin ang lahat. Gusto rin naming ituloy ang tugtog mamaya, para sa mga fans. Para sa sarili namin.
"Relax your mind, bud!"
What the—
Biglang sulpot si Kuya, all smiles as usual. Pakalat-kalat na parang multo. I think it's been weeks since huli ko siyang makita.
"Alam mo, Kuya," simula ko habang pinagmamasdan siya. "Napapansin ko lang, tuwing may eksena, doon ka biglang sumusulpot. What are you even doing with your life? Saan ka na naman nanggaling? Alam ba 'to nina Papa, Abuelo... si Mom?"
Medyo matalim ang tono ko, pero hindi niya ako masisisi. Hindi ako galit, I'm just—concerned. Kahit may pagka-tarantado siya, kapatid ko pa rin 'yan.
"Don't be such a cry baby, Froi," sabay tapik niya sa balikat ko. "I'm busy with business."
Business, huh?
"Business or babae?" tanong ko. Kita ko agad 'yung pilit na iwas ng mata niya. Hmm.
"Business. Our business. 'Yun lang."
Lakas makalihis. Hindi ko na siya pinansin at sinulyapan ko na lang ang stage kung saan kami tutugtog mamaya.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
