Where Love Ends and Answers Begin.
Bricelle POV
Humahangos akong tumakbo papasok ng campus, alam kong sobrang late na ako. Pag-akyat ko sa third floor ay halos wala nang tao sa corridor—ibig sabihin, nagsimula na talaga ang klase. Paglingon ko sa dulo, nakita kong si Miss Alcantara ay nasa loob na ng classroom namin, kaya lalo kong binilisan ang takbo.
"Miss!" sigaw ko habang huminto sa harap ng pinto, halos mawalan na ng hininga at pawis na pawis.
Napatingin ang buong klase sa akin. May ilan na napatigil sa ginagawa, may natigilan, at karamihan ay kunot-noo lang na nakatingin habang ang iba naman ay nagbubulungan.
"Oh, Bricelle?" gulat ni Miss Alcantara. "Why are you shouting like that? You look exhausted... are you okay?"
Nilunok ko ang laway ko at pilit na ngumiti. "I'm sorry, Miss. I had something urgent to take care of before coming here."
Tumango lang siya, pero alam kong napansin niya ang pamumutla ko. Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa upuan ko na parang walang lakas ang tuhod ko.
"Okay, class. Let's skip our warm-up today because I have an announcement to make. So everyone, please settle down," seryosong sambit ni Miss Alcantara habang nagsusulat sa board.
Sumunod ako, kahit gusto ko pa sanang magpahinga. I leaned my back sa upuan ko at pilit na hinahabol ang hininga. Ang bigat pa rin sa dibdib, pero at least... nandito na ako.
"Bri? Okay ka lang?" bulong ni Mavis sa tabi ko, sabay abot ng bottled water. "Oh, eto oh, tubig."
Nginitian ko siya at tinanggap iyon. Ininom ko agad, halos maubos ko nang hindi ko namamalayan. "Salamat, sorry, paubos na," hingal kong sagot.
"Okay lang 'yon. Pero, maayos ka na ba? Dapat nagpapahinga ka. May ibang magbabantay ba kay Lola mo?" sunod-sunod niyang tanong, ramdam ko ang genuine concern sa tono niya.
Pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang kamay ko at pilit na humalakhak. "Ayos lang. Kaya pa. Kailangan ko ring huminga sa ibang lugar, kahit sandali."
Napatingin siya sa akin, parang gusto pa niyang magtanong, pero hindi na niya itinuloy.
Well... that's always been me. I smile when someone's looking... kahit gumuho na ang mundo ko sa loob.
"Okay lang ako, kailangan kong pumasok. And... huwag na muna natin pag-usapan si Lola," mahinahong katwiran ko.
Tumango lang si Mavis, kahit halata ang pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti rin siya, pero ramdam kong may tanong pa siyang gustong itanong, na pinili na lang niyang itikom.
Hindi ko na siya pinansin at pinunasan ang pawis sa mukha ko gamit ang kamay. Pinaypayan ko ang sarili kahit walang silbi, at doon ko lang naalala... wala pala akong dalang panyo.
"Here, take this."
Napapitlag ako sa biglaang boses na iyon sa harap ko. Pagtingin ko, si Tayler pala. Nakalapit na siya at inabot ang isang malinis na panyo, habang nakakunot ang noo sa pag-aalala.
Ngumiti ako kahit medyo gulat pa. "Thanks. Ibabalik ko na lang bukas," sabi ko habang inaabot iyon.
Tipid siyang ngumiti at tumalikod na sana, pero napatigil siya at nagbitiw ng huling salita.
"No, it's okay. Sa 'yo na lang 'yan. Keep it."
Nanatili akong nakatingin sa panyo kahit wala akong sinabi. Hindi ko rin pinahalata na tumama sa akin ang sinabi niya. May kung anong kirot at init sa dibdib na hindi ko maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
