Scars and Promises.
Bricelle POV
Room 708, Tagaytay Medical Center
Tahimik.
Hindi 'yung masayang tahimik, kundi 'yung parang may kulang. Parang pahinga sa isang kanta na masyadong mahaba. Parang pagitan ng dalawang putok ng baril.
Nasa hospital ako. Alam ko 'yon sa amoy ng alcohol, sa ilaw na malamig, at sa feeling ng IV sa kamay ko. Ramdam ko rin 'yung kirot sa likod ko, sa braso, sa bandang tagiliran. Parang bawat galaw ay may paalala, na totoo lahat ng nangyari.
Hindi lang masamang panaginip.
Sinubukan kong igalaw ang leeg ko, konti lang, sapat para makita ang kabilang kama. And there he was.
Froilan.
May benda sa ulo. May gasgas sa pisngi. Nakahiga lang, pero buhay. Humihinga. Tahimik.
Pareho kaming buhay. That's the first thing I let sink in.
Then came the rest. The screaming. The pain. The moment I thought hindi na kami makakalabas.
Bigla akong napaiyak. Luha lang ang bumabagsak sa pillow habang pinipilit kong hindi umiyak nang malakas.
"Bri?" mahinang tawag mula sa kabilang kama.
Napalingon ako.
Si Froilan, gising na. Nanghihina pa ang boses niya, pero gising.
"Hey," sagot ko, pinilit kong ngumiti.
"Are you okay?" bulong niya. Ramdam kong hirap siyang magsalita.
"Okay lang... sa abot ng kaya," sagot ko. "Ikaw?"
"Masakit... pero buhay."
Nagkatawanan kami. Maliit lang. Mahina. Parang isang inside joke na kami lang ang nakakaintindi.
"Hindi mo dapat sinugod 'yon," sabi ko.
"Hindi ka rin dapat lumaban," balik niya.
"Tingin mo papayag akong ikaw lang ang sinasaktan?" Pumikit ako, huminga ng malalim. "Tingin mo kaya kong panoorin 'yon nang wala akong gawin?"
"Gusto lang kitang iligtas," bulong niya.
"Ginawa mo. Pero halos ikamatay mo rin."
"Worth it."
Tumahimik kami pareho.
Narinig ko ang pagpasok ng nurse, sinilip ang vitals namin, nag-adjust ng dextrose. Tahimik lang kami, parang pareho naming gustong huminga lang muna, magpahinga sa kaguluhan.
"Bri," tawag niya ulit.
"Hmm?"
"Kung sakaling... kung sakaling hindi tayo umabot no'n... may gusto sana akong sabihin."
Tumingin ako sa kaniya. "Sasabihin mo pa rin ba ngayon?"
Tumango siya, mahina.
"I love you. Hindi dahil ikaw si Zyn. Hindi dahil ikaw si Bricelle. Pero dahil ikaw 'yung babae na lumaban kahit duguan na. Ikaw 'yung babae na hindi bumitaw kahit delikado. And if I have to do it all over again, papatulan ko pa rin kahit ilang Kenzo pa 'yan."
Napapikit ako. Lumapit ang luha sa mata ko.
Napailing ako. "Baliw ka talaga."
"Baliw para sa'yo."
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
