Rigged Victories, Quiet Guilt.
Bricelle POV
Ilang oras na ang nakalipas at nag-aalala na ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zavry. Friday na ngayon at mamaya na ang performance namin.
"Mavis, may balita ka na kay Zav?" kuhit ko rito, ngunit hindi ata niya ako marinig dahil tutok na tutok ito sa kadudutdot ng kanyang phone.
"Mavis," pagtawag ko rito. Ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay at tutok na tutok pa rin sa kaniyang cellphone.
Lintik na 'yan!
"Mavis Rzhie!" Halos napatalon siya sa gulat sa lakas ng boses ko. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone niya.
Agad kong naramdaman ang mga mata ng buong klase na nakatingin na sa amin, pero wala akong pake. Hindi na 'to tungkol sa hiya... this is something else.
"Ano ba, Bricelle!? Bakit ka ba naninigaw diyan?" asik niya, sabay irap at balik sa cellphone. Pero bago pa niya maituloy ang pagta-type, mabilis kong tinabig palayo ang phone niya.
"Hoy!" gulat na sigaw niya, pero tinapunan ko lang siya ng malamig at matalim na tingin.
"Aba, ineng," panimula ko, halatang pigil ang inis. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo pero parang wala ka sa mundong 'to. Nakadikit ka na yata sa phone mo! Simple lang naman 'yung tanong ko, 'di mo ba ako pwedeng pansinin kahit sandali?"
Napatingin siya sa akin, mata sa mata. Hindi na siya umiimik.
"Ano ba 'yon?" tanong ko, sabay lapit ng upuan sa tabi niya. Humarap ako nang todo, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.
"Si Zav... wala pa rin. May alam ka ba?" diretsong tanong ko, hindi na kayang itago ang pag-aalala.
Bigla siyang nanlaki ang mata, parang may naalala. Mabilis siyang lumingon-lingon sa paligid, para bang sinisigurado kung may ibang nakikinig. Napakunot noo ako, suspetsa, kaba, at inis ang biglang sumiksik sa loob ko.
Nilakihan ko siya ng tingin, tinutulak siyang magsalita.
"Ang sabi niya kahapon... hindi raw muna siya papasok. May nangyari raw kasi," mahinang sagot niya, parang may tinatago pa. Hindi ko na napigilan dahil agad kong hinawakan ang braso niya.
Nagulat siya, bahagyang napaatras.
"Anong nangyari, Mavis?" seryoso kong tanong, halos pabulong pero punô ng tensyon.
"Ano!? Anong nangyari? Sabihin mo!" pasigaw kong utos habang mariing nakatitig sa kaniya. Parang mababaliw na ako sa kaba.
Nagulat siya sa sigaw ko, pero agad din niya akong hinawakan sa braso at dahan-dahang pina-upo. Sumunod naman ako, pero halos dikit pa rin ang mukha ko sa kaniya—desidido akong malaman ang totoo.
"Kalma, Bri! Kalma! Ganito kasi 'yon..." panimula niya. Mabilis niyang niligpit ang cellphone, saka humarap sa akin nang seryoso.
"Kahapon, 'di ba pagkatapos ng practice, pumunta ako sa office? Si Zav naman, sa office ni Mrs. Flores. Ikaw naman, bigla na lang nawala. Akala ko umuwi ka na. Pero nung pauwi na ako bandang hapon, nasa parking lot na ako nun, nang may marinig akong sigaw—lalaki 'yung boses."
Napalunok ako. Iba 'yung kaba na nararamdaman ko ngayon.
"So, syempre, curious ako. Pinuntahan ko. Tapos ang nakakagulat pa, nakita ko si Russell... umiiyak. As in literal. At sa hita niya, nakasandal si Zav. Walang malay. May sugat sa braso." Parang nanlamig ang buong katawan ko.
"A-anong...?" Napabulong ako, pero biglang bumulwak ang emosyon sa dibdib ko. Tumayo ako, natataranta. "Si Zav... may s-sugat?! Bakit?! Anong nangyari sa kaniya?! Bakit kasama niya si Russell?! Anong ginawa niya?! B-bakit—"
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
