The Girl Who Wasn't Looking.
Walang pumapansin sa babaeng nasa likod. Pero ang mas totoo... ni minsan, hindi rin niya nakita ang sarili niya.
Tahimik lang si Bricelle. Hindi dahil mahiyain siya, kundi dahil sanay na siya.
Sanay na siyang hindi isama. Sanay siyang hindi itanong, hindi tawagin, hindi hanapin.
Her world was quiet. Predictable.
Wake up. Survive. Go home.
She didn't want to be seen. Because being seen meant being vulnerable.
At sa eskwelahan na 'to, kung saan puro liwanag at pangalan ang sukatan ng halaga, she preferred the shadows.
At doon siya nanatili.
Pero may mga bagay na hindi mo kayang takasan, kahit gaano ka pa kaingat.
Mga tanong na hindi mo tinatanong dahil baka hindi mo kayanin ang sagot.
Mga lihim na tinago sayo-dahil baka oras na malaman mo, hindi ka na matahimik ulit.
Hindi niya alam kung bakit may mga araw na parang iba ang mundo.
Kung bakit minsan parang may nakakalimutan siya, pero hindi niya alam kung ano.
Akala niya, normal lang 'yon. Akala niya, sadyang wala siyang dapat alalahanin.
Pero dumating siya.
The boy who was nothing like her.
Loud. Known. Laging nasa gitna.
Ang tipo ng taong may sariling atmosphere. Kahit hindi mo gustong pansinin, mahirap hindi siya mapansin.
He was the kind people wrote about.
And she was the kind they didn't even notice.
Pero kahit isang beses lang...
Tumingin siya.
Hindi bilang joke, hindi dahil curious lang siya.
Tumingin siya na parang may nakikita siyang hindi pa niya alam.
At doon nagsimulang mabasag ang katahimikan.
Hindi ito fairytale. Hindi ito biglang kinilig o biglang in love.
It was awkward. Messy. Mabagal. Pero totoo.
Sa unang beses, hindi lang siya nakita. Pakiramdam niya, parang may naalala siyang matagal nang nakalimutan.
And maybe-just maybe-he was more than just a boy.
Maybe he was the key.
To her truth.
To her past.
To the version of herself she never knew existed.
At sa mundong gusto niyang manatiling maliit, siya ang ingay na hindi niya kayang patahimikin.
At ang tanong... handa na ba siyang malaman kung sino ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
