Chapter 12

109 15 3
                                        

Between a Dare and the Truth.



Third Person POV

Mula pa lamang sa labas ng Fidanza Aurea Estate, agad na mapapansin ang karangyaan ng gusali. Mataas, moderno, at disenyong may halatang mamahaling materyales. Bawat detalye ng estruktura ay sumisigaw ng kapangyarihan at kayamanan. Sa loob, makikita ang mga empleyado na abala sa kani-kanilang gawain, bihis at propesyonal, tila sanay sa presyur ng mundo ng salapi at impluwensiya.

Ngunit sa pinakadulong bahagi ng kumpanya, may isang pintuang agad makakaagaw ng pansin dahil malaki, matibay, at binabantayan ng dalawang maskuladong gwardyang hindi matinag. Sa likod ng pintuang iyon, naroroon ang opisina ng pinaka-makapangyarihan sa lahat—ang may-ari ng Fidanza Aurea Group.

Tahimik sa loob, maliban sa tunog ng papel na isinasalin, pinipirmahan, at iniinspeksyon. Nakaupo sa gitna ng lawak ng opisina ang kagalang-galang na pinuno na tutok na tutok sa mga dokumento sa kaniyang mesa, na para bang walang puwersang kayang bumangga sa kaniyang konsentrasyon. Para sa kaniya, ang oras ay ginto at ang bawat segundo ay kita.

Nang marinig ang sunod-sunod na katok at bahagyang kaguluhan sa labas ng opisina, mariing napasinghap ang lalaki at tumitig sa pinto bago mapabuntong-hininga.

"Come in," aniya, medyo iritado ang tono.

Pagkabukas ng pinto ay pumasok ang kaniyang anak na babae, hingal at balisang nakaupo agad sa malambot na sofa, kasunod ang isang lalaking naka-black tactical coat at simpleng khaki pants, may earpiece sa tainga, na halatang sanay sa paligid.

"Dad, pagod na kami. Hanggang kailan kami magtatago? Gusto ko na siyang makasama ulit. Gusto ko siyang mayakap. Pwede ba? Kahit sandali lang?" anang babae, halatang nanghihina habang nakakuyom ang kamao.

"Agreed," sabat ng lalaking nakatayo sa likuran niya, malamig ang tono habang nakapulupot ang braso sa harap ng dibdib. Tila siya ang tagapagbantay.

Tiningnan sila ng lalaki sa likod ng mesa—ang ama—at marahang tumayo. Mabigat ang titig nito, ngunit kalmado pa rin ang galaw.

"We can't risk it. Hindi pa ito ang tamang oras. Alam niyo kung gaano pa rin ka-delikado ang sitwasyon. We're only starting to see where this goes. We protect from afar. For now."

Padabog na tumayo ang anak. Uminit ang mata nito habang nakatitig sa ama. "But she deserves to know! She deserves a life with us! I know her strength, I know what she's capable of... and she's not weak like everyone thinks she is!"

Walang imik ang lalaking tagapagbantay, nakamasid lamang sa kanilang usapan.

Lumapit ang ama at marahang pinunasan ang namumuong luha sa mata ng anak, bago ito niyakap ng mahigpit.

"I want to be with her too," aniya, halos pabulong. "But each time I try, my fears eat me alive. I'm sorry, my daughter. We'll get there. Just not yet."

Tahimik na humikbi ang babae, pilit tinatago ang sakit sa dibdib. Nang kumalas sila sa yakapan, tumango na lang siya.

"Fine. I'll wait. I just hope... she remembers." Tumingin ang ama sa lalaking nakatayo sa gilid. Tumango ito pabalik, pahiwatig ng panibagong pagbabantay.

"See you soon..." bulong ng dalaga sa isip niya, bago muling humarap sa katahimikan ng opisina.

                                  

Bricelle POV

Pagdating ko sa tapat ng Dean's Office, napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o inis... o baka pareho. Kumatok muna ako, pilit pinapakalma ang sarili.

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon