Chapter 29

73 6 0
                                        

Where the Water Hides.
             

              

Bricelle's POV

Saturday. Walang klase, walang gulo, pero walang kwenta rin. Tahimik sa buong bahay. Sa laki ng kastilyo naming ito, mas ramdam ko pa 'yung pagiging mag-isa.

Si Ate at kasama si Tayler sa mall. Si Lola ay may reunion with the amigas. Si Papa naman tuloy-tuloy pa rin sa trabaho. At ako ay naiwan sa bahay kasama lang 'yung mga helper at ang bodyguard kong laging alert, parang may laging nakaabang na riot.

Minsan naiisip ko, mas okay pa siguro kung maliit lang 'tong bahay. At least, magkakabonding kami. Hindi tulad ngayon na lahat busy sa sariling mundo.

"Signora, I can see boredom in your face. What do you want to do?" tanong ni Conor, ang ever-vigilant bodyguard.

Tinapunan ko siya ng dedma look habang kumakain ng ice cream.

"Tell me, what do you want? Go to the library, the café, or maybe... the place you are working at?"

Wait, what?

Nasamid ako. Muntik ko nang malunok ang buong ice cream. Dali-dali akong tumayo at kumuha ng tubig sa ref habang si Conor ay chill lang, parang wala lang.

"P-Paano mo nalaman 'yon?" tanong ko, hawak pa ang baso.

Umupo ulit ako. Pero hindi na ako kampante.

"I told you, I'm your bodyguard. I've seen where you go."

"Creepy mo pala. May daily surveillance pala akong hindi alam."

Tumawa lang siya. "Well, it's my job."

Okay, fine. Pero kung hindi siya nando'n no'ng araw na 'yon... hindi ko alam kung nandito pa ba ako ngayon.

Napabuntong-hininga ako. "So, totoo lang, bakit mo 'to ginagawa? Dahil lang ba inutusan ka ni Papa? Or may ibang dahilan?"

Nag-iba ang itsura niya. Wala na 'yung usual na nakangisi. Parang biglang naging tao sa halip na robot.

"I didn't do this for money," mahinang sagot niya.

"Then why?"

Tahimik. Panay lang ang hinga niya na parang may kinikimkim.

"I can't say yet," he finally said.

Napailing ako. Tumaas ang inis ko kaya napahawak ako sa kwelyo niya, pero agad ko rin siyang binitawan.

"Ang labo n'yo. Wala ba akong karapatang malaman kahit konti?"

"I'm sorry, Signora. It's not the right time. But I'm not just a bodyguard."

Tumigil siya sa tabi ko.

"Hindi ako knight sa pangalan lang," sabi niya. "I was assigned to keep you safe. That's all I can say. For now."

Okay... mas lalo lang akong naintriga pero sige, fine. Back to ice cream.

Tumunog bigla 'yung phone. Galing kay Quinn 'tong phone, upgraded na ako. Touch screen, finally.

Caller ID: Froilan.

Sinagot ko. "Hello?"

"Good morning. How's your sleep?"

"Okay naman. Pero wala namang good sa morning ko. Ikaw?"

"I barely slept."

"Why?" tanong ko habang sumusubo ulit ng ice cream.

"Wala lang. Restless."

High School PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon