Marked.
Third Person POV
Nakasampa ang lalaking tauhan sa mataas na bakod, mga siko'y nakapatong habang tutok na tutok ang mga mata sa loob ng paaralan. Sa likod ng mga dahon at anino, binabantayan niya ang babaeng dahilan kung bakit sila naroon. Gamit ang isang maliit na binocular, sinisipat niya ang bawat kilos nito, waring ayaw palampasin ni isang galaw.
Ngunit nang maramdaman niya ang sunod-sunod na kalabit mula sa kanyang paa, nainis siya't sinipa ang kamay na sagabal. Hindi siya lumingon. Ilang segundo pa, nararamdaman niya ulit ang abala—paulit-ulit. Napareklamo siya sa inis bago muling sinipa pababa ang kamay.
"Ano ba! Huwag kang maingay," iritadong bulong niya. "Kapag pumalpak tayo rito, yari tayo kay Boss!"
"Kapag hindi mo ako pinansin," malamig na sagot mula sa ibaba, "siguradong papalpak ka nga at sa ilalim ng lupa ang tuloy mo."
Biglang napalingon ang lalaki, nanlaki ang mata sa pagkagulat. Napatitig siya sa lalaking nasa ibaba—ang kanilang amo. Matigas ang tindig nito, nanlilisik ang mga mata habang nakatingala sa kanya.
Mabilis siyang bumaba. Hindi na siya nag-atubili pang magsalita agad, at yumuko na lang siya, halatang nabawasan ng hangin sa dibdib sa presensya ng kanilang boss.
"Boss..."
Mataman siyang tiningnan ng lalaki. "Kumusta? Nakita mo na ba ang target? Tapos na ba ang pinapagawa ko sa inyo?" Kalmadong tanong nito, pero mabigat ang bawat salitang binibitawan.
Napalunok ang tauhan. "Hindi pa po nasimulan. Pero nakapuwesto na kami. Timing na lang talaga ang kulang."
Tumango si Boss, saka siya mismo ang umakyat sa hagdan patungo sa itaas ng bakod. Agad niyang kinuha ang binocular at sinipat ang loob ng paaralan.
"Boss," tawag ng tauhan mula sa ibaba, "dapat po ba talagang siya lang ang target? Lagi po siyang may kasamang lalaki—"
Hindi pa natatapos ang tanong, bigla na lang siyang binato ng sapatos. Tumama ito malapit sa balikat niya, dahilan para mapaatras siya sa gulat.
"Bobo ka ba? Gusto mo ba ng gulo?" bulong-sigaw ng kanilang boss mula sa itaas. "'Pag may kasama siyang lalaki, 'di ba't mas risky? Gusto mong sumablay tayo ulit?"
Napakamot na lang ang tauhan, hindi na nakasagot.
Ilang segundo pa, muling tumahimik si Boss. Tinutok niyang muli ang binocular. Mas tumalim ang tingin nito, at bahagyang kumurba ang labi, pero punô ng galit at paninindigan.
"Niloko na nila tayo noon. Hindi na uulit 'yon," bulong niya. "Pagbabayaran nila ang ginawa nila. At sisiguraduhin kong sa atin magsisimula ang hustisya."
Bricelle POV
Hindi ito ordinaryong school day.
May kung anong energy sa hangin na may halo ng ingay, tawanan, at amoy ng samgyup, popcorn, at mango tapioca na nagsasama-sama sa campus air. Today is our school's Mini Booth Fair—isang araw ng bentahan, pakulo, at pa-cute para sa grades, fundraising, at konting fun na rin.
Every section may kaniya-kaniyang booth, kanya-kanyang diskarte. May pahulaan, may street food stand, may horror room. Pero kami? We decided to go big.
Hindi lang simpleng benta ang goal namin. Gusto namin ng impact—'yung tatatak sa isip ng buong batch, pati ng mga teachers. Kaya habang ang iba'y nagbebenta ng fishball at taho, kami... well, may paandar.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Fiksi RemajaShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
