Torn Between Two Storms.
Dumating na ang Huwebes, araw ng general practice para sa final performance namin bukas. Maaga pa lang, nasa gymnasium na kami para magsimula. Alas-siyete pa lang ng umaga kaya nagsisimula pa lang kami sa warm-up.
Excused kami sa lahat ng klase ngayon dahil kailangan naming pagtuunan ng buong oras ang performance na 'to.
Habang nag-i-stretching ako, panay ang lingon ko sa labas.
Bakit kaya wala pa siya? Ano kayang nangyari doon?
"Wala siya. Busy raw sa office ni Dean." Gulat akong napalingon kay Tayler na katabi ko lang pala. Nahihiyang napayuko ako at tahimik na ipinagpatuloy ang pag-stretch.
"Bakit daw?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko. Pagtingin niya sa'kin, agad akong umiwas ng tingin. Nakakailang kasi 'yung mga titig niya, parang sinisilip ang loob ko.
"I don't know. Ask him," masungit niyang sagot. Napakunot-noo ako.
Iba 'to. Parang may binago siya bigla sa pakikitungo niya sa'kin.
"Listen, y'all!" sigaw ni Zavry habang tumatakbo papunta sa amin, pawis-pawis pero ang taas pa rin ng energy. Galing siya sa labas, assigned siyang magbantay ng mga latecomer na kaklase namin.
"Let's start na, please. Para we can finish early, okay?" aniya habang pumapwesto sa harap namin. Commanding, as usual.
May mga napa-reklamo agad. Yung iba nag-rolling eyes, yung iba naman deadma lang, parang sanay na sa pagka-bossy ni Zav.
"Ang dami n'yong echos! Masyado tayong rush! Kung anu-ano na lang kasi ang inuuna n'yo, imbes na dito tayo mag-focus." Lahat ay nagulat sa nagsalita mula sa likod.
Pero bago pa ako makareact,nagkatinginan kami ni Zavry. She gave me the look na nagsasabing, "watch this." Nang makita kong nakangisi siya, napailing ako at marahang nasapo ang noo ko.
"What did you just say?"
Oh. Ayan na. Nag-on na ang bratty mode ni Zav.
Dahan-dahan kaming gumilid. Parang instinct, automatic. And then I saw her na nakatayo, naka-cross arms, chin up, at eye-to-eye kay Zav.
Wait... si Nicole?! Oh my gosh...
Hindi ko inaasahan. Si Nicole, ang secretary ni Tayler sa club namin. Siya pala ang sasabayan ni Zav sa bardagulan. Akala ko bait-baitan. Akala ko sweet. Pakitang-tao pala? Pathetic.
"What? I didn't say anything," casual niyang sagot. Trying to play innocent.
Ngunit may mapanlinlang na ngisi si Zav. Lumapit siya, kinuha ang cellphone mula sa bulsa, at may pinindot. Ilang segundo lang, tinapat niya ang speaker sa gitna ng grupo.
"Ang dami n'yong echos! Masyado tayong rush! Kung anu-ano na lang kasi ang inuuna n'yo, imbes na dito tayo mag-focus."
Boom! Boses ni Nicole. Word per word. Caught in 4K.
Girl, Zav recorded everything!
"So? Now tell me that's not you," sarkastikong sambit ni Zav habang dahan-dahang lumalapit. Nag-cross arms pa siya sa harap ni Nicole.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Nicole, halatang natataranta na.
Tumawa si Zav, tawang walang pake, tawang parang "You wish, girl." Ilang segundo lang at tumigil din siya, tumingin kay Nicole at ngumisi.
"Is it not obvious? Mrs. Flores already knew na magre-reklamo kayo, so she told me to record. Like, duh?" sagot niya, sabay hair flip.
Napangiti ako. Classic Zav. Hindi mo siya mabibisto, ikaw ang ibabagsak niya.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
