The Gentle Start of Something Strange.
Bricelle POV
"Zyn!"
"Lanzie, what are you doing there?" sigaw ng batang babae sa batang lalaking nakasabit sa puno. Tila takot na takot siya at nangingiyak na ang kanyang mukha.
"Zyn! Help me! Hindi ako makababa! Help! Mom! Dad!" sigaw ng batang lalaking nakasabit sa puno.
Natatarantang pumasok si Zyn sa loob ng mansion at dali-daling tinawag ang mga magulang ng bata. Agad naman lumabas ang mga ito, at nang makita ang anak nilang nakasabit sa puno, tila nanginig ang mga kamay ng ina.
"My son! Hold on, okay? Wait for us, okay? Oh my gosh! Have you lost your mind?" sigaw ng ina habang takot na takot na nakatingala sa anak.
Walang ibang nagawa ang batang lalaki kundi umiyak. Natatakot siya sa maaaring panganib na dumating sa buhay niya, lalo na't sa tuwing tumitingin siya sa ibaba ay pakiramdam niya ay mahuhulog siya.
"M-Mom! Help me!" sigaw niya habang mahigpit na nakayakap sa sanga, tila ayaw na talaga nitong bumitaw.
Habang nakakapit siya, samu't saring bagay ang pumapasok sa isip niya—kung mahuhulog ba siya at mababalian ng buto, o kung aabot kaya ang mga magulang niya para siya ay masagip.
"Lanzie! Kapit ka lang! 'Wag kang mamamatay, Lanzie!" hagulgol ng batang babae. Hindi niya ito matignan nang maayos dahil kahit siya'y nanginginig sa kaba at takot.
"My son, trust us, you can let go now. We got you! Come on, son! You're a good man, right?" sigaw ng ama ng bata habang nakahanda ang mga kamay upang siya'y saluhin. Napatingin ang batang babae sa direksyong iyon, at doon lang niya napagtanto na naka-abang na pala ang ama ni Lanzie sa ibaba.
"In a count of three, you can let go, my son." Sa sobrang kaba, tinakpan ng batang babae ang kanyang mga mata, ngunit iniwang bahagyang nakabukas ang pagitan ng mga daliri upang makita pa rin ang nangyayari.
"One... two... three!" Tuluyang tinakpan ng batang babae ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaibigan, kaya dahan-dahan niya iyong binuksan.
Pagmulat niya, nakita niyang mahigpit na nakayakap ang batang lalaki sa kanyang ama habang sila ay ligtas na nasa sahig. Unti-unting tumingin sa kanya ang kaibigan, kaya't nagliwanag ang mukha ng batang babae at dali-daling tumakbo papunta rito.
"Lanzie! Akala ko mawawala ka na! Pinag-alala mo ako, Lanzie! Hindi na kita bati!" hagulgol niya habang mahigpit na yumayakap sa kaibigan.
Hinagod-hagod ng batang lalaki ang likod ng kaibigan at pinatahan ito habang nakangiti. Pagkatapos ay tumingin siya kay Zyn, may ngiti pa rin sa kanyang labi.
"Ikaw talaga, Zyn. Hindi ako mawawala. Tutuparin pa natin ang mga pangarap at pangako natin sa isa't isa, 'di ba?" sabi niya. Nakangiting tumango si Zyn at muling niyakap ang kaibigan.
Pagkatapos noon, sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng mansion. Kasabay niyon ang unti-unting pagliwanag ng kapaligiran at ang pagkapawi ng mga imahe.
"Bricelle, hija! Anong oras na, gumising ka!" Nagulat ako sa sigaw ni lola kaya dali-dali akong nagmulat ng mata at napa-upo.
Hinawakan ko ang noo ko dahil pawis na pawis iyon. Kaya kahit tinatamad akong bumangon ay pumunta ako sa sala at uminom ng tubig.
BINABASA MO ANG
High School Popular
Teen FictionShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
