Dressed in Red, Armed with Fire.
Tanghaling tapat nang sa wakas, pinayagan na rin akong makauwi. Kanina, saglit kaming nag-usap ni Froi tungkol sa pageant mamaya. Siyempre, hindi nawala ang concern niya—tinulungan pa niya akong kabisaduhin 'yung mga parteng kailangan ko, lalo na sa walk. Buti na lang mabilis akong matuto, kaya hindi na naging hassle 'yung practice namin kanina. Smooth, kahit pa may tension sa hangin.
Pagdating nina Quinn at ni Lola, saka lang nagpaalam si Froi. May kailangan pa raw siyang ayusin—assumingly para sa pageant.
"Ready ka na bang bumalik?" tanong ni Quinn na parang may halong tuwa sa tinig.
Tumango lang ako habang nakatingin sa daang tinatahak namin. Mahangin sa labas, pero hindi ko alam kung dahil ba sa hangin o sa mga iniisip ko, pero ang daming bumabalik.
Hindi pa rin ako makapaniwala. May kapatid ako. Totoo ba talaga 'to? Pero habang tumatagal, may mga alaala akong pilit na bumabalik—pira-piraso, malabo, pero naroon. At unti-unti, pinapaniwalaan ko na.
Ilang minuto lang ang biyahe bago kami huminto sa harap ng isang napakalaking gate. Tila paakyat kami ng bundok kanina, pero ngayon, para kaming nasa isang ibang mundo.
"Dito na ba tayo?" tanong ko kay Quinn. Tumango siya habang nakangiti, saka tumingin sa unahan. Sinundan ko ang tingin niya.
At doon ko nakita—unti-unting bumubukas ang gate. Walang lumapit para buksan, pero gumalaw ito sa sarili. May dalawang guard sa magkabilang gilid pero parang estatwa lang sila, hindi gumagalaw.
Automatic gate? May sensor? Or... parang sa mga pelikula.
Napakastig.
Umusad muli ang sasakyan, at habang papalapit kami, mas lalong gumaganda ang tanawin. Halos puro berde—puno, damo, at mga bulaklak na mukhang inaalagaan araw-araw. Parang botanical garden na may old European charm. May mga ivy na gumagapang sa stone walls at mga rosas na nakaayos sa symmetrical patterns.
Nang makalapit kami sa harap, inikutan muna namin ang isang marble fountain na may estatwa ng isang anghel sa gitna. Classic. Classy. Italiano talaga.
Pagpreno ng sasakyan, sabay ring pagbukas ng malaking pinto. Doon bumungad ang pila ng mga tauhan—nakaayos, naka-uniporme. Ang mga babae'y naka-maid uniform, habang ang mga lalaki'y naka-black suit.
Mga bodyguard ba 'to?
"Nandito na tayo," sabi ni Quinn.
Dahan-dahan akong bumaba. Nilanghap ko ang simoy ng hangin. Ang fresh. Wala kang maaamoy na usok, polusyon, o alikabok. Parang lahat dito, malinis. Malaya. Tahimik.
"Benvenuta! Welcome to Dy Holdler Castello!" sabay-sabay na bati ng mga tauhan. Nakangiti akong humakbang papasok, parang ayokong kumurap.
Nakakaiyak sa sobrang ganda.
Pagbukas pa lang ng pinto, parang na-transport ako sa loob ng isang pelikula. No kidding. Sa gitna ng grand hall ay walang ibang gamit kundi ang dalawang grande na hagdan sa magkabilang gilid, paakyat. Parang replica ng mga staircase sa royal palaces. At ang ilaw? Isang napakalaking chandelier—kulay ginto, may kumikislap na crystals, parang bituin sa kisame.
"Welcome back, Zyn," isang tinig ng babae ang bumulong. Medyo may edad na siya, nakasuot ng eleganteng maid uniform pero kapansin-pansing iba ang kulay—dark maroon na may ginto ang gilid. Mukhang siya ang in-charge.
"Ako si Signora Luisa, ang mayordoma ng Castello. Isang karangalan ang makita kang muli."
Ngumiti lang ako. Wala akong masabi. I looked around again.
BINABASA MO ANG
High School Popular
JugendliteraturShe's not rich. She's not famous. And she doesn't even know the truth about herself. At Crystal Light International School, being popular isn't just a title, it's a lifestyle built on money, talent, and the number of likes on your latest post. It's...
