Napatingin ako sa suot kong relo habang nakaharap ako sa mga bahayan dito sa taas ng burol sa may likod ng paaralan. Tatlong minuto na lang ay matatapos na ang taon at hanggang ngayon ay wala pa din ang hinihintay kong makita. Napangiti na lang ako ng bahagya ng marinig ko ang palakas na ingay ng mga paputok sa paligid, hudyat na malapit na ngang magbagong taon."Hi? Kuneho?" isang mahinang boses ang narinig ko mula sa likuran nakapagbigay sa akin ng matinding kaba sa aking puso. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya na sinasabayan ng malakas na tibok ng aking puso, siya na ba ang hinihintay ko?
"Bitter girl?" tanong ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti, umayos ka Pula para ka tuloy nakipagkita sa crush mo. Nanlaki naman ang mga mata niya na parang narinig niya ang sinasabi ng aking utak, baka mind reader itong kaharap ko.
"Hindi ko masasabi kung late ka o hindi. Pero at least nandito ka ngayon." dagdag ko at pinatili ko pa din ang aking ngiti sa aking mukha. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya dahil napansin kong masyado ata kaming malayo sa isa't-isa at malakas na din ang ingay sa paligid namin.
"Happy New Year!" bati ko sa kanya at parang naaawkward na ata siya sa mga nangyayari kanina pa kasi siya nakatingin sa akin na parang minememorize ang mukha ko, huwag niyang sabihin ipapablatter niya ako sa presinto nito? Umayos ka Pula, mabait naman siya, kilala mo naman siya diba? Yun nga lang sa papel lang kami nag-uusap. Nilahad ko naman ang kamay ko upang makipagkamay sa kanya at bigla naman siyang natauhan dahil sa ginawa ko.
"Happy New Year!" nakangiting sagot niya sa akin at ako naman ang napatitig sa kanya ng masilayan ko ng malapitan ang kanyang mukha at sa tulong ng fireworks sa kalangitan, mas naaninag ko ang kanyang kagandahan. Nakipagkamay naman siya sa akin at napailing naman ako sa aking ginagawa.
"I'm Red Oliver Reyes a.k.a xBunnyx1227999." pakilala ko sa sarili ko at mas diniinan ang paghawak ko sa kanyang mga kamay.
"I'm Rain Olivia Diem a.k.a walang forever." banggit niya sa aking pangalan at hinigpitan din ang paghawak sa aking mga kamay.
"Nice meeting you Rain." sagot ko sa kanya at nanlaki naman ang aking mga mata na napatitig muli siya sa akin.
"Masaya akong makilala ka, Red!" tugon niya sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanyang mga mata.
Sa mga oras na kasama ko siya ay nakatingin lang ako sa kanyang mata na para bang kinikilala ko siya base sa emosyong nakapalibot sa kanyang mata. Mas nanaig ang paglakas ng tibok ng puso ko kesa sa ano mang paputok ang aming naririnig sa aming paligid. Tama nga ang aking nararamdaman, na may gusto ako sa kanya, may gusto ako kay walang forever. At sa pagkalat muli ng pailaw sa kalangitan at lumiwanag ang aming paligid, nanlaki ang aking mga mata ko habang pinagmamasdan siya gamit ang ilaw mula sa kalangitan. Nanlamig ang aking katawan at bumalik ang mga ala-ala na gusto ko nang ibaon na sa limot.
Bakit siya?
Kita ko sa kanyang mata na pareho kami ng nararamdaman kahit na hindi namin sabihin sa isa't isa. Alam kong gusto ko siya at gusto niya din ako. Pero hindi niya dapat akong mahalin dahil hindi ko deserve ang pagmamahal niya.
Reasons Why You Shouldn't Love Me:
Because I'm Red Oliver Reyes
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Teen FictionPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...