x-5-x

1 0 0
                                    

"Salamat." tugon ng babaeng kausap kanina ng babaeng nagngangalang Ulan matapos kong buhatin ang kaibigan niyang walang malay papunta sa clinic. Tumango naman ako sa babae at tumingin ako sa nakahigang si Ulan na meron pa rin bakas ng luha sa kanyang mga mata.

"Pero matanong ko lang, bakit siya umiiyak?" tanong ni Ate Eunice sa kaibigan ni Ulan na pinupunasan niya ngayon ang mukha ng babaeng walang malay.

"Naaksidente kasi ang parents niya kani-kanina lang malapit dito sa school, at ang sabi ng police na nakusap ko, patay na ang parents niya dahil sa lakas ng pagkabangga ng kotse." sagot ng babae at hindi ko pa din maalis ang aking tingin sa kaibigan niyang namatayan pala ng mga magulang at inaatake na naman ako ng konsensya dahil sa pagkuha ko ng litrato sa kanya.

"Aksidente? Kawawa naman siya. Pero bakit kanina parang nag-aaway at nagsisigawan sila ng mga kaibigan niya? Dahil ba hindi tanggap ng kaibigan niyo na namatay yung mga magulang niya?" tanong ulit ni Ate Eunice at napatingin naman ako sa kanya dahil nanghihimasok na siya.

"Ha? Away?" tanong naman ng kaibigan ni Ulan at napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya, ibig ba sabihin non wala siyang alam na nag-away yung mga kaibigan ni Ulan?

"Ah sige, alis na kami. Pasensya na at masyadong chismosa itong pinsan ko. Parating na din siguro yung nurse, maiwan na namin kayo dito." pagpaalam ko sa babae at napasulyap ako ulit kay Ulan na kahit nakapikit at walang malay, alam kong patuloy pa din siyang umiiyak sa loob ng kanyang puso. Hinila ko na palabas ng clinic si Ate Eunice na nagrereklamo kung bakit kami umalis agad.

"Ate Eunice, masyadong personal yung tanong mo. Huwag na natin silang pakialaman bilang respeto sa kanila, tama na yung alam nating... namatay yung parents niya." matamlay sa sabi ko kay Ate Eunice at nauna na akong naglakad palabas ng building.

"Pula! Hintayin mo naman ako!" rinig kong sigaw ni Ate Eunice at napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko sa di kalayuan ang sinasabi ng babaeng aksidente. Hindi ko namalayan ang sarili ko na tumatakbo na ako palapit sa lugar kung saan may nagbanggaan ngang kotse at umalis na din ang ambulasyang dala-dala ang mga sakay ng kotse.

"Pula!" rinig kong tawag ulit sa akin ni Ate Eunice at nanlaki ang mga mata ko na makita ang kotse namin, yun yung nakita ko kagabi na kinuha ng kausap ni Daddy.

"Pula, umalis na tayo dito!" hila sa akin ni Ate Eunice pero nanatili pa din akong nakatayo sa harapan ng dalawang kotse na durog ang harapan ng puting kotse at samantalang yung kotse namin ay sa gilid at likod ang mapuruhan.

"Hindi ba't kotse namin iyon Ate Eunice?" tanong ko sa kanya at hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawang kotse dito sa kalye.

"Diba yan yung bagong bili niyong kotse?" tanong din niya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Daddy, ilang beses ko itong tinawagan hanggang sa sinagot na niya ito.

"Dad? Ayos ka lang? Nasaan ka ngayon? Nakita kong nabangga yung kotse natin malapit dito sa University." sunod-sunod kong tanong kay Daddy at narinig ko naman na parang umiiyak siya at sinisipon.

"I'm fine Red. But yung kaibigan ko, yung katrabaho ko dito sa office and his wife died in the accident. Mabuti at nakaligtas yung kaibigan ko na involved din sa accident." matamlay na sagot sa akin ni Daddy sa kabilang linya at kumunot ang aking noo dahil paano sila nagbanggaan kung yung isang kotse ay nasa tamang linya at parang yung sa amin ay umagaw ng linya kaya sila nagbanggaan.

"Nasaan ka Daddy? Pupuntahan kita." nag-aalalang tanong ko sa kanya at tinignan ko naman si Ate Eunice na tinitignan pa rin yung aksidente.

"Hintayin mo na lang ako sa hospital, pupunta ako doon para tignan yung kaibigan ko at ang naiwan niyang anak. Nandito ako sa desk ni Attorney Diem, inaalala yung mga pinagsamahan naming dalawa." malungkot na sabi ni Daddy sa akin at napabuntong hininga ako dahil ngayon ko lang siyang narinig na ganito, ibang-iba sa istriktong Daddy na kilala ko sa bahay.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon