x-14-x

1 0 0
                                    

Napabalikwas na lang ako ng bangon sa kama ko nang maalalang birthday pala ngayon ni Ate Eunice at nakalimutan ko iyon. Napatingin ako sa wall clock dito sa may kwarto ko at napasabunot na lang ako nang makitang alas dos na ng madaling araw at ang ibig sabihin non, tapos na ang birthday ni Ate Eunice. Naupo na lang ako ng maayos sa kama ko at hinanap ang cellphone ko, mukhang kanina pa nagtatampo si Ate Eunice sa akin. Pagkabukas ko ng cellphone ay isang message ni Ate Eunice ang tumambad sa akin, Pula! Bakit birthday pa ni Ate Eunice ang nakalimutan mo!

From: Ate Eunice

Naibalik ko na yung bag mo. Libre na lang kita ng lunch bukas. Tulog ka na Pula!

Napasabunot na lang ako sa ulo ko nang matapos kong mabasa ang message ni Ate Eunice sa akin, nagtatampo nga siya. Hindi pa siya tulog ngayon at baka tuwang-tuwa siya ngayon sa pagbubukas ng mga regalo. Dinial ko ang number ni Ate Eunice at ilang ring pa lang ay sinagot na niya ito.

Pulaaaaaaaaa!

Bungad na sigaw sa akin ni Ate Eunice at napalayo naman ako sa cellphone na hawak ko dahil sa tinis ng boses niya.

Ikaw Pula ha! hindi mo sinasabi sa akin na pinaghandaan mo talaga itong birthday ko kahit hindi ka nakapunta sa party ko! Ah basta sobrang nagustuhan ko yung regalo mo sa akin!

Masiglang wika sa akin ni Ate Eunice at naguguluhan naman kung ano ang sinasabi niya sa aking regalo, napatingin naman ako sa may table sa tabi ng kama ko at kinuha ang sticky note doon.

Hindi na kita ginising Kuya, alam ko naman na pagod ka. Binili ko na lang yung gustong-gusto mong ibigay kay Ate Eunice at sabihin mo na lang na ikaw ang bumili kung sakaling magkausap kayo.

-D

Napangiti ako nang mabasa ang sulat ng kapatid ko at naalala ko bigla yung mga nangyari kanina.

Hello? Pula? Nandiyan ka pa ba?

Tanong sa akin ni Ate Eunice at napabalik din ako sa hawak kong cellphone.

“Ah oo Ate Eunice! Nalingat lang.” sagot ko kay Ate Eunice at lumabas ako sa kwarto ko at napansin na umuulan pa din hanggang ngayon sa labas.

“Pasensya na Ate Eunice kung hindi ako nakapunta kanina.” paghingi ko ng paumanhin at tumungo ako sa kwarto ni Dianne at binuksan ang pintuan nito.

Nako! Ayos lang nho! Alam ko naman na may pinagdadaanan ka. Kamusta?

Tanong sa akin ni Ate Eunice at pumasok ako sa kwarto ni Dianne na ngayon ay mahimbing na natutulog habang hawak-hawak ang picture naming dalawa noong 7th birthday namin.

“Uhmm! Kahit papaano, okay na din.” sagot ko kay Ate Eunice at kinuha ko na din ang hawak niyang picture frame at inilagay sa tabe niya.

Mabuti naman kung ganun. Ang proproblemahin mo na lang ngayon kung paano ka mag-eexplain sa mga teacher sa mga ginawa mo!

Paalala sa akin ni Ate Eunice at napahilot na lang ako sa sintido ko dahil paniguradong malalagot ako nito bukas.

“Bukas mo na yan ipaalala sa akin Ate Eunice, matulog ka na din, mag-aalas tres na ng madaling araw.” bilin ko kay Ate Eunice at inayos din ang kumot ng kakambal ko at hinalikan ang noo niya.

Hala! Alas tres na pala!

***

6,746 days

July 17, 2017

“Sorry na Ate Eunice!” paghihingi ko ng paumanhin kay Ate Eunice habang nakatambay kami dito sa may 3rd floor ng building namin matapos ang last subject namin ngayong hapon at kanina pa din natapos ang klasse ni Ate Eunice at wala pa kaming balak na umuwi.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon