From: xBunnyx1227999
9:21 p.m, November 09, 2017
(Thursday)Good evening. Oh nakaimpake ka na ba? Dalhin mo na lahat ng gamit mo tsaka icheck mo ulit pag natapos kang mag-impake tapos ipacheck mo din sa kasama mo sa bahay para wala kang makalimutan. Kayo pa namang mga babae itong madaming dinadala pag may out of the town na magaganap. Good luck pala sa immersion, galingan mo kung saan ka man na field. At gagalingan ko din sa field ko kahit na makikita ko siya doon. Enjoy the whole immersion and field trip. Take care. Hays! Paano ko marereceive 'tong reply mo? Hahahaha makikita ko din yung letter mo sa locker ko, soonest.
x-x
***
6,762 days
November 10, 2017
“Pula! Mag-ingat ka ha!” bilin sa akin ni Ate Eunice na ngayon ay nandito kami sa may garden at tinawagan niya ako na pumunta dito na ngayon ay ayos na ayos ang itsura niya at kahit ilang beses ko na siyang nakikitang nag-aayos sa sarili niya, naiilang pa din ako sa mukha niya.
“Oo na Ate Eunice! Ilang beses mo na akong binilinan, alis na ako baka maiwan pa ako ng bus.” tugon ko sa kanya at kinuha ko na din ang bagpack ko sa mesa dito sa may garden at bigla na lang naiba ang timpla ng mukha ni Ate Eunice na nakatingin sa likod ko.
“Kuya!” rinig ko sa likuran ko, ano bang ginagawa dito ni Dianne, alam niyang may klasse siya ngayong oras. Nakakunot noong tumingin ako sa kakambal ko na may dalang maliit na hand bag at inabot naman niya sa akin hawak ang niya at hindi siya nakauniform ngayon.
“Nag-absent ako para dito, para naman may makain ka sa biyahe Kuya!” masiglang sabi niya sa akin ni Dianne at napangiti na lang din ako sa kanya dahil sa ginagawa niya sa buhay niya.
“Hindi mo naman kailangan mag-absent para dito eh. Ikaw ba nagluto nito?” tanong ko kay Dianne at tumango naman siya sa akin at bigla na lang din hinablot ni Ate Eunice ang hawak kong hand bag.
“Teka! Itetest ko muna kung hindi sasakit ang tiyan mo dito Pula o di kaya may lason.” sambit ni Ate Eunice sa akin at sobrang sakit na naman ang tingin ng kapatid ko sa pinsan namin.
“Nag-aaral ka ba? Bakit nandito ka kasama ng kakambal ko?” tanong naman ni Dianne kay Ate Eunice na ngayon ay binuksan ang lunch box na bigay sa akin ni Dianne na ngayon ay may lamang cookies at cupcakes.
“Ikaw din naman ah! Bakit ka nandito? Hindi ba’t may klasse ka din?” balik na tanong ni Ate Eunice at inagaw naman ni Dianne yung hawak na lunch box ni Ate Eunice pero nakakuha siya ng isang cookies at cupcake.
“Ibalik mo iyan! Sa Kuya ko yan!” sigaw ni Dianne kay Ate Eunice na ngayon ay tinitikman ang binake ni Dianne.
“Sige na alis na ako! Bahala na kayong dalawa dito. Ate Eunice pakibantayan na lang itong kapatid ko ha tapos yung bilin ko sayo.” paalala ko kay Ate Eunice na ngayon at kinindatan naman ako at ang sagwa niyang tignan.
“Kuya ibibilin mo ako sa babaeng iyan? Baka ako pa ang mag-alagay sa kanya eh!” reklamo ni Dianne sa akin at susugudin na sana ni Ate Eunice ang kakambal ko nang pumagitna ako sa kanilang dalawa.
“Huwag nang malikot Dianne. Magpakabait ka habang wala ako ha! huwag din gumala sa gabi!” bilin ko sa kanya at kinuha ko na din sa kamay niya yung lunch box na may mga lamang cookies at cupcakes.
“Oo na! as if naman na gumagala ako sa gabi! Sige na Kuya hatid na kita sa bus niyo!” hila sa akin ni Dianne paalis sa garden.
“Hoy! Hintayin niyo naman ako!” sigaw ni Ate Eunice na nakabuntot sa amin at malapit lang naman kasi yung bus namin dito sa may garden dahil malapit lang ang main gate dito at nakita ko naman na may nakasara nang mga bus at mukhang paalis na din sila.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Ficção AdolescentePaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...