x-18-x

0 0 0
                                    

From: ~.walang_forever.~
8:49 p.m, September 05, 2017
(Tuesday)

Kaya nga ang saya, sa wakas eh inopen na ang event para sa intrams natin! At yes! Half day lang ang mga klase ngayong week and next week! Ang dami din booth na pwedeng pagtambayan pero yun nga! nakakainis lang kasi ang daming PDA na makikita sa mga hallway. Ikaw may sport kang sinalihan? Ako wala, pagala-gala na naman ako sa campus at siguro eh matutulog na lang ako sa room namin tuwing tanghali, kukuha ako ng unan ko. Anong team mo pala ngayong intrams?

~.~

From: xBunnyx1227999
9:25 p.m September 06, 2017
(Wednesday)

Hahaha ang bitter mo talaga! Hayaan mo na sila. Oo nga pala ilang araw na lang eh 3 months na kaming break! Naiexcite ako kasi ngayon nakikita ko na yung ganda ng pagbreak namin, ang dami kong naipon kasi noong mga nakaraang buwan, pinambili ko yung naipon sa kamerang nilalagyan ng film, alam mo yon? Yung camera na naglalabas ng picture. Wala din akong sport eh, tambay na naman ako sa court siguro hahaha o di kaya eh uutusan na naman ako ng adviser ng campus journalism. Ienjoy na lang natin 'tong last intrams natin bilang highschool basta huwag lang tayo manominate sa mga ibang contest hahaha. Nagyeyelong Oso ang team ko, ikaw?

x-x

***

6,799 days

September 07, 2017

“Bakit ka ba nandito Ate Eunice?” tanong ko sa kanya habang tuwang-tuwa siyang naglilibot sa buong building namin at hindi alintana ang mga subjects na namiss niya ngayong araw.

“Huwag ka ngang madamot Pula! Namiss ko kaya ang intrams ng highschool lalo na ang mga boths!” nakangiting sagot niya habang tinitignan ang bawat both na tinayo ngayon sa building para sa weeklong celebration ng intrams namin at hinila lang ako ni Ate Eunice mula sa pagbabantay ko sa both namin sa room ko para lang samahan siyang mamasyal.

“Ilang taon mo na din naranasan ito Ate Eunice, hindi ka ba nagsasawa? Tsaka may klasse ka ngayon akala ko ba ayaw mong madroup-out sa mga subjects mo?” tanong ko sa kanya at inabot niya sa akin ang binili niyang pancakes.

“Hayaan mo na iyon, ngayon lang ako mag-aabsent tapos sa last day ng intrams niyo.” tugon niya sa akin sa akin at pinahawak pa niya ang binili niyang frappe sa akin, ginagawa na niya akong katulong ah.

“Bumili ka sa both namin para may pakinabang yang pag-absent mo.” bilin ko kay Ate Eunice at tinignan niya lang ako.

“Ang baduy naman ng both niyo, photoboth pa eh alam mo naman na may cellphone na ang mga tao ngayon na pwede nilang gamitin pangpicture.” sagot sa akin ni Ate Eunice at binigay ko naman sa kanya ang mga pagkaing ipinaabot niya sa akin.

“Ayaw mo kasi wala kang kasama sa picture. At tsaka isa pa instax ang gamit namin, films ang bibigay namin at ayaw mo yun para may remembrance ang pag-absent mo.” asar na sabi ko kay Ate Eunice at mukhang babatukan na naman niya ako.

“Ano? Babatukan mo ulit ako?” tanong ko sa kanya at agad naman akong napatakbo palayo sa kanya at mabuti na lang madaming nakalabas na mga estudyante ngayon sa hallway.

“Pula!” rinig na rinig na sigaw ni Ate Eunice sa akin na ikinatahimik ng mga tao dito sa hallway, pahamak talaga ang bunga-nga ng babaeng iyon.

“Oi Red!” hingal na hingal na tawag sa akin ni Vincent at nakakamoy na ako ng may nasusunog, hindi ko alam kung yung nagluluto lang dito sa mga classroom pero iba yung amoy at mukhang si Vincent iyon.

“Puntahan mo si Maxine sa Art Room, nasusunog doon!” nahihirapang wika sa akin ni Vincent na ngayon ay nahihirapang umubo dahil sa usok na nalanghap niya sa Art Room.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon