x-27-x

0 0 0
                                    

From: xBunnyx1227999
9:26 p.m, December 14, 2017
(Thursday)

Hi. Pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakapagbigay ng letter sayo. Noong nakaraang linggo at araw kasi nagkasakit ako kaya halos buong linggo lang ako nakahiga sa kama ko sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero heto magaling na ako last week pa, gustong-gusto ko ngang pumasok noong Monday kaso yung kapatid ko naman yung nagkasakit kaya inalagaan ko. Hay, marami akong namiss sa school lalo na yung acads ko at uhmm namiss ko din na basahin yung mga sulat mo para sa akin. Bukas na pala yung Christmas party natin at mukhang hindi ko na matatanggap ang sagot mo dito sa letter ko. Batiin na din kita ng Merry Christmas dito, sana ienjoy mo yung bakasyon natin. And, may itatanong sana ako sayo kung pwede? Pwede ba kitang batiin ng Happy New Year in person? Kung papayag ka, pwede ba tayong magkita bago matapos itong taon? Sa may burol sa likod ng school bago magbagong taon, hintayin kita doon. At naiintindihan ko kung hindi ka sisipot sa akin. May gusto lang akong iclarify. Huwag kang mag-alala hindi naman ako yung lalaking iniisip mo ngayon. Sasamhan ako ng pinsan kong babae para hindi ka mailang sa akin kung sakali man na darating ka.

x-x

***

6,797 days

December 15, 2017

“Tama na ‘yan Dianne!” pagsisita ko sa kapatid ko na kanina pa inayos ang damit ko at nilagyan pa niya ng powder ang mukha ko at hindi nga niya nakalimutan ang sabi niya sa akin na aayusan niya ako para sa Christmas party namin sa school.

“Konti na lang Kuya and isusuot ko na lang itong eye glasses, don’t worry walang grado yan, pangporma yan.” paliwanag sa akin ni Dianne at siya din ang nagsuot sa eye glasses na binili niya kahapon at itong mismong suot ko din ay siya ang bumili.

“Yan! Tiyak na pagtitignan ka sa University niyan Kuya.” puri sa akin ni Dianne at tumapat naman ako sa whole body mirror na nasa kwarto niya. Napatingin naman ako sa sarili ko at sa suot ko ngayon na semi-formal, fitted black slacks, black leather shoes, black fitted turtleneck jacket at white lose polo na nakatuck-in sa slacks ko at inayos din ni Dianne ang buhok ko at nilagyan ito ng wax.

“Bakit naman ganito ang itsura ko?” tanong ko kay Dianne at hinampas naman niya ang likod ko.

“Pumunta ka na sa University niyo kanina ka pa hinihintay ng pinsan natin sa baba, bilis! at magbibihis na din ako.” pagtutulak sa akin ni Dianne palabas ng kwarto niya at napabuntong hininga naman akong pumunta sa kwarto ko para kunin ang mga regalo ko at tsaka yung letter ko kay bitter, ang problema ko lang ay kung paano makukuha ni bitter ang letter ko.

“Pula! Ano ba ang tagal mo! Daig mo pa ako kung magbihis ah!” rinig kong reklamo sa likuran ko at napatingin naman ako kay Ate Eunice sa may pintuan sa kwarto na bihis na bihis din.

“Oh! Tignan mo nga naman at naging tao ka na!” puri sa akin ni Ate Eunice at lumapit naman siya sa akin para tignan ang kabuan ko.

“Huwag mo nga akong titigan Ate Eunice!” nahihiyang sambit ko sa kanya at kinuha ko na din ang paper bags na nasa kama ko.

“Para kanino yang mga yan?” tanong sa akin ni Ate Eunice at binigay ko naman sa kanya yung ibang paper bag para may pakinabang din siya.

“Nagmumukha kang Santa Claus sa itsura mo eh!” pang-aasar sa akin ni Ate Eunice at naglakad na din siya palabas ng kwarto ko at kinuha ko na din yung letter at flowers na ibibigay ko kay bitter at napangiti na lang ako sa hawak kong white rose dahil hindi pa din ito nalalanta.

“Kuya! Kanino mo ibibigay yan?” biglang dinig kong tanong sa pintuan ko at napatago naman ako kaagad sa hawak kong rose at tumingin sa kapatid ko.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon