x-26-x

0 0 0
                                    

6,796 days

December 14, 2017

“Siguradong magaling ka na Dianne?” tanong ko sa kakambal ko na ngayon ay nag-aayos sa sarili niya sa harap ng salamin, pupunta kasi kami sa Mall ngayon para bumili ng regalo namin para sa mga nabunot namin at Christmas party din nila Dianne bukas.

“Oo nga Kuya! ang kulit mo. Kahapon pa ako magaling, kaya don’t worry okay?” sagot niya sa akin at nahiga na lang muli ako sa kama niya, halos 30 minutes ko na siyang hinihintay matapos sa pagmamake-up o kung anong ginagawa niya sa mukha niya at naiinip na ako.

“Bilisan mo Dianne.” utos ko ulit sa kakambal ko at nakatingala lang ako sa kisame.

“Just wait Kuya! Hindi naman ako kagaya ni Maxine na hindi nag-aayos sa sarili niya.” tugon ni Dianne sa akin at hinablot ko naman ang unan sa tabi ko at ibinato ito sa kanya.

“Ouch! ang bitter mo naman Kuya o baka naman gusto mo pa din siya?” tanong sa akin ni Dianne at narinig ko naman na tumayo na siya sa kinauupuan niya at napabangon na din ako at tinignan siya ng masama.

“Magmove-on ka nga Dianne, mukhang ikaw pa ‘yong naging boyfriend ni Maxine eh.” sambit ko sa kapatid ko at inirapan niya lamang ako.

“Akalain mo iyon Kuya, 4 years kayong nagtagal tapos mauuwi din lang pala sa wala yung mga pinagsamahan niyo. Sabi ko nga sa sarili ko na kayo ang magkakatuloyan pero binigo niyo ako. Hays! Maghanap ka na lang kasi Kuya ng ibang sasagot sa pangarap mo, huh? Hindi lang yung panggirlfriend lang ang hinahanap mo.” pangaral sa akin ng kapatid ko at napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Kung yan kaya ang sabihin mo sa sarili mo Dianne? Hindi yung papalit-palit ka ng boyfriend.” sabi ko sa kapatid ko at mukhang naguilty sa sinabi ko.

“Whatever Kuya! Sa hindi nila kayang tiisin yung ganda ko, it’s not my fault though.” sagot ni Dianne sa akin at nauna nang lumabas sa kwarto niya at as usual, nakalimutan na naman niya ang bag niya, huh! Sa tingin niya mahuhulog pa ako sa tactics niyang ‘to tapos ako magbabayad sa lahat ng gagastosin niya sa Mall, kung tutuosin nga eh mas madami siyang pera kesa sa akin dahil sa pagmomodel niya, samantalang ako umaasa pa din sa bigay ni Daddy.

“Kuya pakikuha yung bag ko!” dinig kong sigaw ni Dianne sa labas ng kwarto niya at kinuha ko na din ang bag ng kapatid ko sa mesa niya.

“Ano na naman ba ang ginagawa mo dito!?” dinig kong tanong ng kakambal ko sa may sala namin na halos dinig ko dito sa may second floor. Binilisan ko na lamang ang pagbaba sa hagdanan para tignan kung sino ang kausap ng kapatid ko, si Ate Eunice lang pala.

“Oh! Pati din ikaw Pula may pupuntahan?” tanong sa akin ni Ate Eunice napatango naman ako dahil bihis na bihis din ako kagaya ni Dianne.

“Eh ikaw, bakit ka nandito? Hindi ba’t may klasse ka?” tanong ni Dianne sa pinsan ko at halata naman na nagcutting lang si Ate Eunice.

“FYI, wala na akong klasse ngayon at nagpeprepare lang ang mga kaklasse ko sa Christmas Party namin bukas, at isa pa si Pula ang pinuntahan ko dito hindi ikaw!” sagot ni Ate Eunice sa kapatid ko at pumagitna na ako sa kanilang dalawa para matigil ang bangayan nila.

“Tara na sa Mall, may bibilhin pa tayo at pupuntahan.” utos ko sa kanilang dalawa at tinulak ko din si Ate Eunice na maglakad palabas sa bahay namin habang hawak ko ang kamay ni Dianne.

“Ano ba Pula huwag mo akong itulak, nakaheels ako!” reklamo ni Ate Eunice sa akin at napatingin naman ako sa paanan niya, nakaheels nga siya.

“Anong nangyayari sayo Ate Eunice at parang nagiging babae ka na?” tanong ko sa pinsan ko at ayos na ayos ang dating niya kahit na sa University lang ang punta niya at hindi na bagpack ang dala niya kundi mga bag na pambabae.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon