Matapos kong pumunta kina Ate Eunice na sobra kong sinuyo para mapatawad niya ako ay nakauwi din ako at nakasabay ko si Dianne sa pag-uwi dahil pati siya ay pumunta sa bahay nila Ate Eunice para kunin yung regalo sa kanya ni Tito Franco. Napaupo na lang ako sa harapan ng study table ko at binuksan ang laptop ko, baka pinalitan na din ng taong iyon ang screen name niya dahil sa kakulitan ko. Napasigaw ako sa inis nang makita na nandoon pa din ang screen name niya at magkatabi pa sa screen name ko baka mahawaan pa ako ng pagkabitter.~.walang_forever.~
xBunnyx1227999Kumuha ulit ako ng papel at ballpen sa shelf ng study table ko na halos manginig ako sa inis habang nagsusulat ng letter sa taong iyon.
From: xBunnyx1227999
9:42 p.m, June 26, 2017
(Monday)Hoy! Bitter! Bakit hindi mo pa rin pinapalitan yang screen name mo? Tsaka bakit hindi ka pa din sumasagot sa mga letters ko? So bitter. Bye last letter ko na 'to sayo.
P.s Ayoko ng away.
x-x
Napabuntong hininga ako matapos kong ilagay sa envelope ang sulat ko, nag-aaksaya lang ako ng pera at oras para lang mapalitan yung screen name ng taong iyon. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga sa kama ko at tinignan ang nakapicture frame na picture namin ni Maxine, may forever talaga at kami ang magpapatunay na meron talagang walang hanggang pag-ibig.
***
"Bakit ganyan na naman ang mukha mo?" tanong sa akin ni Ate Eunice na nasa labas ng bahay namin at hindi niya dala ang bike niya ngayon.
"Hindi ako makatulog kagabi." matamlay ko na sabi sa kanya at kinuha ko ang bike ko sa may garahe ng bahay namin pero agad namang ibinalik iyon ni Ate Eunice.
"Maglakad na lang tayo, baka madisgrasya pa tayo dahil sa pagkabangag mo." wika ni Ate Eunice at kinaladkad na din niya ako palabas ng bahay namin, inaantok na talaga ako.
"Magpahatid na lang tayo." suwestyon ko kay Ate Eunice at babalik pa lang sana ako sa bahay ay hinila na niya ako agad pabalik sa labas ng bahay namin.
"Baka makatulog ako sa daan Ate Eunice." antok na sabi ko sa kanya at iniisip ko na ang layo ng lalakarin namin makarating lang kami sa University.
"Kaya nga maglalakad tayo para magising yang diwa mo!" sagot sa akin ni Ate Eunice at tinutulak niya ako para makalakad ako dahil baka talagang mapahiga na ako dito sa kalsada dahil sa antok.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi ha? Maaga ka namang umuwi sa bahay niyo. Nag late night talks kayo ni Maxine?" tanong sa akin ni Ate Eunice at umiling lang ako at bumalik na naman ang pagkainis ko sa screen name na iyon. Napasigaw na lang ako at tumalon-talon sa inis, bakit kasi hindi pa niya pinalitan yung screen name niya, ako ang napwepwerwisyo dahil sa screen name niya.
"Oh, easy anong meron?" tanong ulit sa akin ni Ate Eunice na sinabayan na din ako sa paglalakad.
"Urgh! Nakikita ko pa din yung screen name ng taong iyon!" madiin na sabi ko at kahit na anong pikit ko ay ~.walang_forever.~ pa din ang nakikita ko kahit na buksan ko ang mata ko, iyon pa din ang nakikita ko.
"Ha? Anong screen name na pinagsasabi mo?" tanong ulit sa akin ni Ate Eunice at huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Teen FictionPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...