Epilogue

0 0 0
                                    

“Pula! Tinatawagan na ako ni Mommy!” napaputol ako sa pagtitig sa babaeng kaharap ko dahil sa pagsigaw ni Ate Eunice at maging si Rain ay napiwas ng tingin sa akin, teka nabanggit ko na sa wakas ang pangalan niya! Napasenyas naman ako kay Ate Eunice na ayusin ang kilos niya.

“Ah siya si Ate Eunice pinsan ko.” pakilala ko sa pinsan ko na lumapit sa amin at gulat na gulat din na napatingin kay Rain at binaling ang tingin sa akin ni Ate Eunice at tumango ako sa kanya dahil tama ang iniisip niya.

“Nakakatakot ba ang itsura ko? Tinakbo ko kasi magmula bahay namin hanggang dito para makaabot sa oras.” puna naman ni Rain sa kilos ni Ate Eunice at umiling naman ako sa kanya ng ilang beses sa kanya.

“Hindi-hindi, nagagandahan lang siya sayo, ngayon lang siya kasi nakakita ng ganyang kaganda.” tugon ko kay Rain at tumango naman siya sa akin at nginitian niya si Ate Eunice at nilahad din ang kamay nito sa harapan ng pinsan ko.

“I’m Rain.” pakilala niya sa sarili niya at siniko ko naman si Ate Eunice na tanggapin ang kamay ni Rain.

“E-eunice!” nanginginig na sambit ni Ate Eunice at nakipagshake hands kay Rain.

“Pula! Kanina pa ako tinatawag ni Mommy!” biglang sabi sa akin ni Ate Eunice at nilakihan ko naman ang mata ko dahil sa kinikilos niya.

“Mukhang may gathering din kayo.” puna ni Rain sa sinabi ni Ate Eunice at inakbayan ko naman ang pinsan ko at pinisil ng madiin ang braso niya.

“Uhmm! Ganon nga. Hindi ko alam kung anong gagawin ngayon. Pinako ko kasi sayo na kasama natin ang pinsan ko na mag-usap pero kasi aalis na siya. Nakakahiya naman sayo at tinakbo mo pa mula sa bahay niyo hanggang dito.” nahihiyang banggit ko kay Rain at narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina.

“Ah ayos lang, naiintindihan ko. At least nagmeet na tayo bago magbagong taon.” sagot sa akin ni Rain at inoffer naman ni Ate Eunice na ihatid na lang namin siya sa bahay nila at si Ate Eunice ang sumakay sa bike ko at naglakad naman kami ni Rain sa gilid ng kalsada.

Sa paglalakad namin, hindi na ako naglakas loob na kausapin pa si Rain dahil natotorpe ako at dinadaga ang dibdib ko na katabi ko na yung kapen pal ko. Napapatingin din ako sa kanya minsan at napapaiwas din dahil sa pagtingin niya din sa akin at mukhang naiilang siya sa ginagawa ko. Napatigil naman si Rain sa paglalakad at lumapit sa isang gate ng bahay at mukhang dito na ang bahay nila.

“Dito na ako, salamat sa paghatid.” nakangiting sabi ni Rain sa amin ni Ate Eunice at gumanti din ako ng ngiti sa kanya at naglakad na siya pabukas sa gate nila.

“Ah Rain, salamat din kasi nakipagkita ka sa akin.” sambit ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin at nginitian ako bilang sagot at kinawayan niya kami ni Ate Eunice bago siya pumasok sa bahay nila. Bigla akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang pagbatok sa akin ni Ate Eunice kaya inis akong napalingon sa kanya at may tinuro siya sa gilid ko.

“Attorney?” gulat na gulat na tanong ko sa babaeng nakawhite dress ngayon ay sobrang ganda ng ayos niya.

***

"Anong gagawin mo ngayon na nalaman mo na yung babaeng tinulungan natin noon, siya pala ang matagal mo nang kapen pal?" tanong sa akin ni Ate Eunice at napahawak ako ng mahigpit sa bike ko nang maout-balance ako sa bike na sakay ko.

"Nakakainis naman oh! Sa dami ng babae bakit siya pa?" sigaw ni Ate Eunice sa akin at pati ako hindi pa din makapaniwala sa nalaman ko ngayon.

"Anong gagawin mo Pula? Itatanggi mo na kapatid mo si Dianne at hindi mo Tatay si Attorney?" tanong ko sa akin ni Dianne at napatayo na lang muli ako sa bike ko at nanatili akong nakatingin sa nakalas na kadena sa hawak kong bike.

"Araw-araw kong ipapardam sa kanya kung anong laman ng puso ko at ipaparamdam ko din sa kanya na hindi niya dapat ako mahalin.."

To be Continue

100 days with you

🎉 Tapos mo nang basahin ang 100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me 🎉
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon