6,787 days
December 05, 2017
Hirap akong napabangon sa kama ko at ramdam ko padin ang katawan ko na nanghihina dahil sa lagnat ko. Inabot ko ang tubig malapit sa mesa ko para maibsan ang uhaw ko at para mailabas ko din ang init sa katawan ko ngayon.
“Dianne, sabing huwag kang lalapit sa akin at baka mahawa ka.” nanghihinang sambit ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ko at kahit hindi ko lingonin kung sino ang pumasok dahil si Dianne lang naman ang nagpumilit na maghatid sa akin pagkain at gamot ko.
“Sira! hindi ako si Dianne.” dinig ko sa may pintuan at napatingin naman ako sa likuran ko at nandon nga si Ate Eunice at pinakita sa akin ang hawak niyang envelop, letter yon ni bitter.
“Amin na yan.” utos ko kay Ate Eunice at sinubukan kung tumayo sa kama ko pero napaupo lang din ako dahil sa panghihina.
“Ano bang pinaggagawa mo at dalawang araw ka ng may lagnat? Anong sabi sayo ng doctor?” tanong sa akin ni Ate Eunice na ngayon ay pumasok na sa kwarto ko at naupo siya sa may paanan ng kamang pinag-uupuan ko.
“Baliw ka talaga Ate Eunice, alam mo na ngang may sakit ako pero lumalapit ka pa din sa akin.” sambit ko sa pinsan ko at napansandal na lamang ako sa dash board ng kama ko at hinila ang kumot ko.
“Pagod lang daw ito at stress, kailangan ko lang daw magpahinga.” sagot ko kay Ate Eunice at nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko dahil imposibleng mapagod ako ng husto dahil wala naman akong masyadong ginagawa.
“Alam mo, parang ganitong-ganito din lang yung nangyari sayo noon sa pagkakaalam ko. Kailan na ulit iyon?” pagtatanong ni Ate Eunice sa sarili niya, bihira kasi ako magkasakit at kung magkasakit man ako, tatlong araw lang ang tinatagal, baka nga bukas ayos na din ako, kailangan ko lang magpahinga.
“Huwag mo nang pilitan mag-isip Ate Eunice, baka sumakit na naman yang ulo mo dahil sa pilit mong pag-alala.” bilin ko sa pinsan ko, nainvolve kasi siya sa isang car accident 2 years ago at nagkaroon siya ng selective amnesia, yung isang partikular na bagay, pangyayari o tao lang ang nakakalimutan niya at luckily wala naman siyang nakalimutan baka nga mali lang yung diagnose ng doctor sa kanya at nagkaroon pa nga siya ng pambihirang talent dahil sa pagkabagok niya.
“Ah! natatandaan ko na! Nagkaganito ka din noong nalaman mong may gusto ka kay Maxine noon.” sagot sa akin ni Ate Eunice at napatigil naman ako sa pag-aayos sa kumot ko at tumingin sa kanya.
“What!? May gusto ulit si Kuya kay Maxine?” dinig naming tanong sa may pintuan ng kwarto at nandon nga si Dianne hawak-hawak ang pagkain ko.
“Ang ingay mo, baka marinig ka ng Daddy niyo.” saway ni Ate Eunice kay Dianne at kinuha naman ng pinsan ko ang hawak ng kapatid ko na pagkain sa kamay niya.
“Is it true Kuya? So nagbalikan na kayo ni Maxine?” tanong sa akin ni Dianne at lumapit naman sa tabi ko si Ate Eunice para pakainin ako.
“Hindi kami nagbalikan.” sagot ko kay Dianne at kinuha ko naman ang hawak ni Ate Eunice na pagkain ko pero iniwas niya iyon at gusto niya atang siya ang magsubo sa akin.
“Hindi por que nagkaganyan ang kakambal mo ay dahil na kay Maxine. Pwedeng ibang babae naman?” tanong ni Ate Eunice sa kapatid ko at sinubo ko naman ang hawak niyang kutsara na nakatapat sa labi ko at ganun na lang ako nagising sa diwa ko dahil sa init ng pagkain.
“Pwede bang hipian mo naman Ate Eunice?” tanong ko sa kanya at inirapan naman ako ng pinsan ko at hinipan ang pagkain na hawak niya.
“May bago? Sino naman ang bagong gusto ni Kuya?” tanong sa akin ni Dianne at napaubo naman ako nang marinig iyon at hindi ko maayos na nalunok ang pagkaing kakasubo lang sa akin ni Ate Eunice.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Ficção AdolescentePaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...