x-8-x

1 0 0
                                    

From: xBunnyx1227999
9:01 p.m, June 22, 2017
(Thursday)

Bitter lens! Ayon, nagdate kami ng girlfriend ko kanina sa may canteen sana nakita mo kung ilang mata ang naiinggit sa amin, at sana nga isa na ang mga mata mo doon. Wala lang, gusto lang kitang painggitin at matauhan ka na may 4ever talaga!

x-x

From: xBunnyx1227999
9:20 p.m, June 23, 2017
(Friday)

Ano? Ang tahimik mo ata? Sigurado akong nasa waiting list na ang name mo sa Student Council para palitan yung screen name mo, sana nga sa Monday hindi na ganyan ang screen name mo. Pero baka kung palitan mo eh baka hindi na kita mahanap para painggitin.

x-x

Hanggang ngayon naiirita pa din ako sa screen name taong iyon, siguro naman at nakukuha niya yung letter ko pero hanggang ngayon ay hindi pa din niya napapalitan yung screen name niya, siguro nga at hindi pinayagan ng Student Council na palitan ang screen name niya dahil nakaregister na iyon sa school. Hay Pula! Bakit mo pa kasi pinipilit yung babae na palian yung screen name niya.

“Oh! Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong sa akin ni Ate Eunice habang hinihintay ako sa labas ng bahay namin.

“Bakit mas pumogi ba ang mukha ko?” tanong ko kay Ate Eunice at may binato naman siya sa akin na nakabox at mabuti na lang at nasalo ko iyon kung hindi baka nagkasugat pa ang mukha ko.

“Ano ito?” takang tanong ko kay Ate Eunice at tinignan ang box na may tatak ng isang brand ng sapatos.

“Bigay ni Daddy.” walang ganang sagot ko kay Ate Eunice pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya dahil naalala ko noon na palagi niya akong niluloko gamit ang mga box ng regalo pero ang alam nito ay puro kabubuyan niya.

“Ayaw mo, balik ko na lang sa kanya.” pambabawing sabi ni Ate Eunice pero tinaas ko naman yung box para di niya makuha.

“Teka baka nga sa Daddy mo nanggaling ito, tiba-tiba pa naman siya kung magbigay ng regalo.” sabi ko kay Ate Eunice na nag-iba na naman ang reaksyon ng mukha.

“What are you doing here?” narinig kong tanong ni Dianne sa may likuran ko at tinago ko na lang sa likuran ko ang box na binigay sa akin ni Ate Eunice.

“Ang aga-aga ang arte-arte!” masungit na sabi ni Ate Eunice kay Dianne at mukhang magkakasumbatan pa silang dalawa, inabot ko naman sa kasambahay naman ang box na binigay sa akin at nilayo ko na si Ate Eunice kay Dianne bago pa sila magsigawan.

“Hoy! Hinahanap ka ng Daddy ko!” sigaw ni Ate Eunice kay Dianne na ngayon ay tuwang-tuwa.

“Sabi ko sayo Ate Eunice na huwag mo na kaming bigyan ng mga regalo.” paalala ko kay Ate Eunice at sumakay na din kami ng bike niya para makaalis na kami.

“Anong magagawa ko eh hindi ko naman pera ang ginagamit niya!” paliwanag sa akin ni Ate Eunice na hanggang ngayon ay malayo pa din ang loob niya sa Daddy niya, hindi kasi legal na kasal sina Tita Beth, sa katunayan, kabit lang ni Tito Franco na Daddy ni Ate Eunice si Tita Beth at alam iyon ni Ate Eunice kaya malayo ang loob ni Ate Eunice sa Daddy niya na minsan lang silang bisitahin sa bahay pero hanggang ngayon naman ay sinusuportahan pa din ni Tito Franco si Ate Eunice sa pag-aaral niya.

“Kung binigay na lang niya sana sa totoong pamilya niya yung perang pinambibili niya ng mga gamit para sa akin!” naiinis na dagdag ni Ate Eunice, hindi ko alam kung bakit siya galit sa Daddy niya, eh kung ang rason ng pagkadistansya niya sa Daddy niya yung pagiging anak siya sa labas, naiintindihan ko si Ate Eunice.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon