x-20-x

0 0 0
                                    

6,824 days

October 03, 2017

Naglalakad ako ngayon papunta sa garden ng University malapit sa building namin dahil tinawagan na naman ako ni Ate Eunice at meron daw siyang sasabihin sa akin na importante, pero alam ko naman na magpapasama lang siyang tumambay doon, ewan ko ba sa kanya at parati na lang niya akong tinatawag, loner ba siya sa college? Sabagay sa ugali niyang iyan sino ang makakatiis sa kanya kundi ako lang.

“Pula! Ang tagal mo namang maglakad, kala mo naman kung babae.” bungad sa akin ni Ate Eunice na ngayon ay nakahiga sa Bermuda grass ng garden habang kumakain, hindi talaga siya babae.

“Umayos ka nga diyan Ate Eunice! Baka may makakita sayo, pagkamalan ka pang tomboy eh!” sambit ko sa kanya at naupo na din ako sa tabi niya.

“Naalala mo pa ba yung kwinento ko sayo noon na kinaiinisan ko na mukhang koreano na kapit-bahay namin?” tanong sa akin ni Ate Eunice at napatingin naman ako electric falls dito sa loob ng garden na ngayon ay natatamaan ng sinag ng araw ang tubig niya, sayang hindi ko dala yung camera ko.

“Hoy! Kinakausap kita!” pambabatok sa akin ni Ate Eunice at napahawak naman ako sa ulo ko at inis na tumingin sa kanya.

“Palagi mo na lang akong binabatukan Ate Eunice!” inis kong sabi sa kanya, hindi ko naman siya mabawian dahil babae siya.

“Naalala mo pa ba yung tinutukoy ko?” tanong niya ulit sa akin at inis na tumango.

“Oo! Pero yung mukha niya nakalimutan ko na.” sagot ko sa kanya at bumangon naman siya sa pagkakahiga niya sa damuhan.

“Alam mo ba, nakita ko siya kanina sa building niyo at parang aawayan siya ng mga barkada ng babaeng tinulungan natin noon, yung anak ni Attorney Diem yung inaasikaso nating kaso.” pagpapaalala sa akin ni Ate Eunice at pumasok na lang sa isipan ko yung sketch na ginawa ni Ate Eunice at yung nakita ko siyang umiiyak sa may locker.

“Siguro hindi mo maalala, iba na kasi ang itsura niya ngayon. Gumanda siya, mas tumapang yung tingin niya at isa pa nakita ko na din siyang ngumiti.” dagdag ni Ate Eunice at napatingin naman ako sa kanya.

“Ngumiti?” tanong ko sa kanya at tumango siya sa akin, madalang ko kasing nakikita yung babaeng iyon at tsaka isa pa, natatakot akong makita ulit siya sa kabila ng ginawa ng Daddy ko sa pamilya niya.

“Oo, nakita ko siyang ngumiti noong last day ng intrams niyo, kasama niya noon si Berting, yung feeling koreano na tinutukoy ko sayo. Mukhang nagiging okay na din yung babae tsaka si Attorney Tolentino, tinutulungan niya din yung babae sa paglutas ng kaso ng mga magulang niya. ” tugon sa akin ni Ate Eunice at tumango naman ako sa kanya.

“Mabuti kung ganon.” sagot ko sa kanya at hinila niya ang kamay ko patayo.

“Mainit na dito, tara don sa may burol.” hila sa akin ni Ate Eunice at binato naman niya sa akin ang bag niya pero napatigil din siya sa paglalakad at hinila niya ako papunta sa mga nakaarrange na mga halaman na nakalagay sa paso at tinakpan niya ang bunga-nga ko. Kumunot naman ang noo ko at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

“Bakit?” iritableng tanong ko sa kanya at sumenyas naman siya na huwag akong maingay at itinuro sa akin ang naupo sa may upuan dito sa garden.

“Yan yung tinutukoy ko sayo na feeling koreano, si Berting!” bulong sa akin ni Ate Eunice at tinignan ko naman ang tinutukoy niya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa mga halamang nakaharang dito sa may garden.

“Berting? Ang pangit naman ng pangalan niya!” sagot ko kay Ate Eunice at hinawakan naman niya ang ulo ko at pinayuko ako.

“Sira ka ba? Huwag ka ngang maingay.” bulong niya sa akin at pinisil ng mabuti ang ilong ko, tinanggal ko naman ang kamay niya sa ulo ko at sa ilong at tumingin ako sa kanya.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon