"Bilisan niyo! Nagugutom na din ako!" reklamo ni Ate Eunice na ngayon ay papasok kami sa lumang classroom dito sa may 3rd floor ng building namin, balak din sana ni Ate Eunice na sa may rooftop kami kumain kasi favorite place niya yon kaso biglang umulan eh kaya dito na lang kami.
"Bakit kasi late ka dumating Ate Eunice? Gutom na gutom na si Maxine kanina pa." sagot ko sa kanya at nilatag na lang din namin ang mga biniling niyang pagkain na take out sa fast food chain at isang round cake na may nakalagay na happy monthsary from Eunice >_< .
"Tama muna ang daldal, kumain na lang tayo! Nabwebwesit pa ako sa lalaking nakasalubong ko sa mall kanina hmp!" nakasalubong na kilay na kwento ni Ate Eunice at kitang-kita naman sa kanyang mukha ang inis.
"Baka siya na ang soul mate mo Ate Eunice, ayieeee!" tukso ni Maxine at inabutan ko siya ng chicken at hinalo ang sauce sa spaghetti niya.
"Yak! Soul mate mo mukha niya! Feeling koreano! Ang kapal ng mukha niya talaga! Pinagsalitaan ba naman ako ng alien na lenggwahe! Nagsasalita din lang naman siya ng tagalog!" kwento ni Ate Eunice at hindi ko na lang siya pinansin, kumain na lang kami ni Maxine at binigay ko na din ang pinabili ko kay Ate Eunice ang stuff na paborito ni Maxine.
"Thank you Oliver!" ngiting tugon sa akin ni Maxine at ginantihan ko naman siya ng ngiti.
"Welcome Maxine, yun nga lang late lunch na 'to." natawa naman kaming pareho at halata sa amin na gutom na gutom kaming dalawa.
"Ayos lang, at least another experience ulit natin pareho." sabi niya sa akin at kumuha ulit si Maxine ng chicken sa may bucket at napangiti na lang ako sa katakawan niya.
"Tignan mo, kain ka ng kain pero hindi ka naman tumataba." pansin ko kay Maxine at nginitian niya lamang ako at binigyan niya din ako ng isang piraso ng drumstick.
"Ayos lang na kain ako ng kain, ayaw mo yun hindi sakitin yung girlfriend mo." sagot ni Maxine at pinagmamalaki niya talaga na matakaw siyang kumain.
"Hoy! Kayong dalawa nakikinig ba kayo?" biglang sigaw ni Ate Eunice sa amin at naoatingin naman kami sa kanya na galit na galit pa din amg kanyang mukha at pinagdiskitahan ang drumstick na hawak niya.
"Pag yon talaga nakita ko dito sa University tatalakan ko yun, gagawim kong miserable buhay niya dito!" madiin na sabi sa amin ni Ate Eunice at nasasagwaan na ako sa itsura niya, gulo-gulo kasi yung buhok niya at nagkalat na din ang sauce ng spaghetti sa pisngi niya na may maliliit na balat pa ng chicken.
"Baka taga ibang school iyon Ate Eunice huwag mo ng patulan baka yun na din ang una't huli niyong pagkikita." suwestiyon naman ni Maxine at tumango naman ako sa kanya dahil malabo ang sinasabi ni Ate Eunice.
"Basta! Nararamdaman ko na magkikita kami ulit! Hmp! Por que gwapo siya, oo gwapo nga siya! Pero magaspang naman ang pag-uugali! Nakakasira ng beauty tuloy." inis na sabi ni Ate Eunice at hindi na din namin siya pinansin kahit na anong kwenekwento niya, isa pa siyang sagabal sa date namin ni Maxine eh.
***
"Nandiyan ka na pala Kuya! Or so tagal naman mabuti at wala pa si Daddy kundi lagot ka sa kanya!" nakakarinding sigaw ni Dianne pagkapasok ko palang ng bahay. Kumain at hinatid ko pa pauwi kasi si Maxine bago ako dumiretsyo ng bahay, pambawi ko lang sa kanya at mabuti nga at hindi sumama si Ate Eunice.
"Bakit ang aga mo?" tanong ko kay Dianne at dumiretsyo ako sa may kusina para kumuha ng maiinom.
"Alam mo naman na mabait akong bata, ayaw ko naman na mag-alala ang Kuya ko lalo na't galing siya sa date nila ng girlfriend niya, kamusta naman ang monthsary niyo?" sagot naman sa akin ni Dianne at napatingin lang naman ako sa kanya ng seryoso, alam ko naman na may kailangan siya sa akin kaya niya ako hinihintay.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Teen FictionPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...