x-13-x

1 0 0
                                    

From: xBunnyx1227999
9:10 p.m, July 04, 2017
(Tuesday)

Hahahaha. Hindi ko alam kung mapapatunayan ko sayo na may forever talaga kung yung nag-iisang tinuturing kong forever eh iniwan na ako. Paano ba? Natutuwa kasi ako sa tuwing may naiinspire kami ng dati kong girlfriend na maniwala na may forever talaga at na huwag silang maging bitter sa tuwing nakakakita sila ng magjowa sa park, kasi darating din naman ang sakanila, kailangan lang nila maghintay. At kung dumating na yung sinasabi nilang The One, ienjoy mo palagi ang company niyong dalawa, huwag kang matakot na express yung emotions mo pagkasama mo siya, kung natatawa ka, tumawa ka lang, kung masaya edi ngumiti ka, huwag kang magdalawang isip na ipakita sa kanya pagpagod ka para agad malunasan yung pagod, at kung galit ka, magalit ka sa kanya pero huwag mo siyang sasaktan ng pisikal. Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo sa sarili mo, ituring mo lang siyang matalik mong kaibigan, ituring mong kababata mo siya na kalaro mo noong tulo sipon mong naglalaro. At syempre, meron din time na kailangan niyong magseryosong dalawa, isantabi ang mga bagay na makakaapekto ng relasyon niyo, isantabi ang isip bata at mga pansariling bagay. Kahit minsan, iparamdam mo sa kanya na importante siya sayo, mahal mo siya, at hindi mo kayang mapahiwalay ka pa sa kanya kasi sobrang clingy mo na sa kanya. Then, dadating yung right time na kailangan niyo ng magsettle n dalawa, wedding day, magkaroon ng mga anak at makukulit na mga apo. Yan, ang nangyari sa amin ng ex girlfriend ko at gusto kong mangyari sa near future, ganyan ko kagusto patunayan sayo na may forever talaga. Pero paano ko mapapatunayan kung wala na yung taong gusto kong kasama na magpatunay na masarap magmahal na may forever nga talaga. Ang sabi niya sa akin, nagsawa na siya, sobrang kulit ko din kasi eh kaya di ko siya masisisi. Sa nangyari sa akin, isa lang ang natutunan ko, na huwag kong isipin ang future kung nandito pa tayo sa present. Huwag ko munang pagpantasyahan ang future ng magiging girlfriend ko habang may problema na palang nangyayari dito sa present ng di ko man lang namamalayan. Tama ka nga siguro, nag-iillusyon lang ako na meron talagang forever. Ayoko na siyang habulin pa o di kaya makipagbalikan, tama na sa akin ang apat na taon na maranasan na may forever.

P.s My last letter.

x-x

***

6,734 days

July 05, 2017

“Manang! Nasaan po si Dianne?” tanong ko sa kasambahay na nagluluto dito sa may kusina dahil hindi ko mahagilap ang kapatid ko sa dining area at sa kwarto niya.

“Kanina pa nagpahatid sa school iho.” sagot sa akin ni Manang at parang nakakapanibago naman ata na sobrang aga niyang magpahatid sa school niya eh dati-dati naman lagi siyang late at isa pa umuulan ngayon, ayaw niya din pumasok pag-umuulan.
“Ah sige po Manang, salamat.” tugon ko at kumuha na lang ako ng gatas sa ref at pinainit ito.

“Kakain ka Pula?” tanong sa akin ni Manang at umiling ako sa kanya.

“Ah hindi na po, kayo na lang po ang kumain, baka hinihintay na din kasi ako ni Daddy sa labas.” sagot ko kay Manang at napatingin ako sa may dining area at wala na doon si Daddy.

“Umalis na ang Daddy mo, ipapahatid na lang kita sa isang kotse.” wika ni Manang at isinalin ko na lang ang gatas na pinainit ko sa may tumbler ko at kumuha ng tinapay at hotdog sa may plato.

“Sige po Manang, mukhang masama pa din ang loob ni Daddy sa akin.” sagot ko at umalis na din ako sa may kusina at naglakad palabas ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako’t napatingin sa labas, grabeng ulan ito, kagabi pa ito at hindi na natatapos, hindi ba nauubusan ng tubig ang langit?

“Pula!” rining kong sigaw sa pangalan ko at napatingin naman ako sa kotseng nakaparada sa tapat ng gate namin, si Ate Eunice.

“Tara na! Malalate na tayo!” sigaw niya sa akin at nakita ko naman si Manong na inihahanda na ang kotse sa may garahe.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon