x-10-x

1 0 0
                                    

6,729 days

June 30, 2017

Pagkamulat ko ng mga mata ko, agad na bumungad sa akin ang picture namin ni Maxine sa gilid ng kama ko. Heto bumabalik na naman ang sakit na akala ko mawawala pagkatapos akong matulog. Sobrang sakit ng katawan ko ngayon at hirap akong bumangon, napatingin ako sa cellphone ko kung meron na bang reply si Maxine sa akin o tumawag na siya, pero ni isa man lang na text o tawag wala akong natanggap. Napatingin ako sa pintuan ko dahil sa pagbukas nito, napaiwas naman ako ng tingin kay Dianne na ngayon ay nagtataka sa kinikilos ko.

“Kanina ka pa tulog diyaan, hindi mo tuloy nabati si Daddy at baka nakakalimutan mo, birthday ni Daddy ngayon!” paalala sa akin ni Dianne at padabog iyang isinara ang pintuan ko.

Dumiretsyo na lang ako sa C.r para maligo, kailangan kong makausap si Maxine ngayon, alam ko naman na pagod lang siya kahapon dahil sa pag-asikaso niya sa Art Fest. Tama, hindi dapat ako magmukmok lang dito at walang gawin. Pagkatapos kong magbihis ay agad din akong lumabas sa bahay at nakita ko naman si Dianne na bihis na bihis ngayon at mukhang may pupuntahan din siya.

“Saan ka pupunta Kuya?” tanong sa akin ni Dianne at kinuha ko na lang ang bike ko sa garahe.

“Sabay ka na sa akin, alam ko naman na bibili ka ng regalo para kay Daddy.” tawag sa akin ni Dianne pero hindi ko siya pinansin at umalis na lang ako sa bahay naming.

“Pula! Saan ka pupunta!?” rinig na tanong sa akin ni Ate Eunice na dala din ang bike niya at napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko ngang sinunsundan niya ako.

“Kina Maxine!” sigaw na sagot ko kay Ate Eunice at mas binilisan ko na ang pagpedal, gusto ko nang makausap si Maxine, hindi lang basta-basta na magbrebreak kaming dalawa nang hindi ko man lang alam ang rason.

***

“Tao po! Maxine! Nandyan ka ba?” tanong ko sa labas ng bahay nila, alam ko na maaga pa para pumunta ako sa bahay nila pero kailangan kong makausap si Maxine.

“Pula!” hingal na hingal na tawag sa akin ni Ate Eunice na kararating lang din dito sa harapan ng bahay nila Maxine.

“Bakit mo ako sinundan Ate Eunice? Hindi ba’t may klasse ka ngayon?” tanong ko sa kanya at lumingon na lang ulit ako sa loob ng bahay nila Maxine.

“Eh ikaw, bakit ka nandito? Maaga pa para dalawin ang girlfriend. Hindi ba kayo nagsawa kahapon na magkasama kayo?” tanong sa akin ni Ate Eunice at napayukom naman ako ng kamao.

“Pwede ba Ate Eunice, umalis ka na!” madiin na sabi ko sa kanya at nanlaki din ang mata ko dahil sa sinabi ko kay Ate Eunice.

“Pula, nandiyan ka pala!” rinig ko sa may likuran ko at napalingon naman ako agad at nginitian si Tita Fe.

“Pasensya na po Tita Fe, mukhang ginising ko po kayo. Nandiyan po ba si Maxine?” tanong ko sa kanya at napalinga naman ako sa pintuan nilang nakabukas.

“Ah oo nandito siya. Bakit? Teka pumasok muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng almusal.” Wika ni Tita Fe at pinagbuksan na niya kami ng gate nila.

“Sige Pula, alis na ako.” paalam sa akin ni Ate Eunice at nakokonsensya na ako sa ginawa ko sa kanya.

“Nako! Iha halika na, hindi ba’t kasama ka ni Pula? Kumain muna kayo dito, hintayin mo na ang pinsan mo.” aya ni Tita Fe kay Ate Eunice at tumanggi naman si Ate Eunice sa alok ni Tita Fe.

“Halika na dito Ate Eunice, tutal nandito ka na din. Masama ang tumanggi sa grasya.” pagkumbinse ko kay Ate Eunice na sumama sa akin.

“Tara na iha, umakyat ka na sa kwarto ni Maxine Pula, gising na din iyon.” utos sa akin ni Tita Fe at pumasok na din ako sa loob ng bahay nila.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon