June 19, 2017
6,718 days
"Mr. Reyes!?" isang kalabog ang nagpagising sa akin sa pagkatulala, napatingin ako sa aking paligid at nakita ang mga nagtatakang tingin sa akin ng mga kaklasse ko rito sa room.
“Sorry Ma’am.” sagot ko kay Ma’am Martin na kanina pa pala naktingin sa akin at mukhang may tinatanong siya tungkol sa lecture naming.
“Umayos ka Mr. Reyes you’re a top student yet tulala ka diyan!” sermon sa akin ni Ma’am Martin sa akin at napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan bakit ba ako wala sa sarili ngayon.
“Yes, Ma’am.” tugon ko kay Ma’am Martin at tinuon ko na lamang ang aking pansin sa notebook ko na may sulat ni Maxine.
“Ayos ka lang?” Tanong niya sa akin at kinuha ko din ang ballpen ko at nagsulat ng reply sa kanya, ayokong mag-alala sa akin si Maxine.
“Ayos lang ako, naboboringan lang ako sa lecture ni Ma’am ang tahimik kasi dito sa room.” Sagot ko at tumingin ako kay Maxine na nag-aalala nga siya sa akin at halatang hindi siya naniniwala sa akin na okay lang ako. Napangiti ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil ito at malapad na ngumiti sa kanya para tumigil na siya sa kakaisip sa akin kung okay lang ba talaga ako.
“Nandito lang ako Oliver, girlfriend mo ako at dapat ay may alam ako kung may problema ka o wala.” malungkot na wika sa akin ni Maxine at napabuntong hininga naman ako at tumitig sa kanya.
“Ang problema ko ay ang kagwapuhan ko. May magagawa ka ba Maxine kung pati ikaw ay hindi matis ang ganitong mukha.” pang-aasar ko sa kanya at nakatanggap na lang ako ng mahinang sampal sa kanya at natawa sa sinabi ko.
“Sira ka talaga! Tumigil ka baka masita pa tayo ni Ma’am.” bulong sa akin ni Maxine at sinaluduhan ko siya bilang pagsunod sa kanya.
Binaling ko na lamang ang aking atensyon sa sinusulat ni Ma’am Martin at pilit na inaalis sa sistema ko ang mga nangyari noong nakaraang araw. Siguro naman ay iyon na ang huling beses na mainvolve ako sa babaeng iyon pero kung sakaling maglandas ulit kaming dalawa baka dahil iyon kay Dianne o kay Daddy na kaibigan pala ng Daddy niya. Kamusta na kaya siya, sana naman ay inaasikaso siya ng mga kaibigan niya lalo na’t hindi pa siya stable lalo na ang health at mag-isa na lang niyang nabubuhay. Bakit ko pa ba siya naiisip, dahil ito sa favor ni Dianne eh, magmula noong kinuhanan ko siya ng litrato madalas na akong mainvolve sa kanya.
***
“Anong nangyari sayo Ate Eunice?” nag-aalalang tanong ni Maxine nang makita naming si Ate Eunice sa labas ng building naming na makikisabay sa amin sa lunch.
“Tanongin mo yang si Pula! Kung anong ginawa niya sa akin kahapon!” naiinis na tugon ni Ate Eunice at sinamaan pa ako ng tingin, napakamot naman ako ng ulo dahil hindi ko naman akalain na magkakasakit si Ate Eunice dahil lang sa ulan, sabagay halata naman sa katawan niya na sakitin siya dahil sa kapayatan niya.
“Kahapon? Hindi ba’t umulan kahapon? Lumabas kayo?” tanong sa akin ni Maxine habang palakad kami palabas ng university para kumain.
“Uhmm oo, biglaan.” tugon ko sa kanya at binatukan naman ako ni Ate Eunice, napatingin tuloy ako sa kanya ng masakit, may sakit na nga lang siya tapos ang lakas pa rin niyang bumatok.
“Anong biglaan ka diyan? Plano mo talaga na pumunta sa bahay namin at pinagsasampal pa ako ni Mommy dahil sayo.” reklamo niya sa akin at tinakpan ko na lang ang kanyang mukha gamit ang hoodie ng jacket niya.
“Bakit kasi hindi ka magising-gising, tsk!” sagot ko sa kanya at napansin ko naman si Maxine na nag-aantay ng sagot mula sa akin.
“Namatay kasi yung kaibigan ni Daddy at yung asawa niya kaya pumunta ako sa libing kahapon, yun nga lang may tulog mantika akong kasama kaya hindi namin naabotan.” kwento k okay Maxine at napatango naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Teen FictionPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...