x-24-x

0 0 0
                                    

“Dianne!” tawag ko sa kakambal ko dito sa may veranda ng second floor at gusto kong mag-explain sana sa kanya kanina sa playground pero umalis agad siya. Napabuntong hininga na lang ako nang hindi man niya lang ako nilingon at lumapit na lang ako sa kanya.

“Kung sasabihin mong huwag akong magalit sayo, pwes nagsasayang ka lang ng laway.” sambit niya sa akin habang nakatingin pa din siya sa labas ng bahay namin kahit na malalim na ang gabi sa may garden na puno ng mga bulaklak na inaalgaan ni Manang at ang sabi pa niya sa akin, tinanim daw iyon lahat ng Mommy namin ni Dianne.

“Hindi naman ako hihingi ng tawad sayo, gusto ko lang magpaliwanag at kung iisipin mo na ginagawa ko ito para patawarin mo ako huwag mo na lang ako pakinggan.” sagot ko sa kakambal ko at nanatili pa rin siyang nakatingin sa mga bulaklak na tinanim ni Mommy noon.

“At sana Dianne, matanggap mo din ang sasabihin ko sayo.” dagdag ko at tumingin ako sa mukha ng kakambal ko na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang pag-amin ko sa kapatid ko, pero may nalalaman na siya at kailangan ko lang na linawin sa kanya ang lahat.

“Ampon lang tayo Dianne, hindi si Daddy ang tunay nating parent.” mabigat sa dibdib na pakawalain iyon sa bibig ko dahil baka masaktan si Dianne sa katotohanang iyon. Napatingin siya sa akin na ang mga mata niya ay punong-puno ng katanungan at alinlangan na baka hindi totoo ang sinabi ko.

“Ha? Don’t play on me Kuya!” inis na sagot niya sa akin at binalik ulit ang mata niya sa labas ng bahay namin. Nanatili din akong tahimik sa tabi niya para malaman niyang seryoso ako sa sinabi ko.

“Paano?” biglang tanong sa akin ni Dianne at nanatili pa din akong nakatingin sa mga bulaklak na para bang kaharap ko si Mommy ngayon at sinasabi sa akin na ikwento ko kay Dianne.

“Sa tuwing pinapagalitan ako ni Daddy at sinusuntok, iniisip ko talaga na hindi niya ako tunay na anak, kasi bakit ganon na lang kadali sa kanya na saktan ako. Dahil sa ginawa niya sa akin, napilitan akong isipin na hindi niya talaga ako anak at para makumpirma nga na hindi ko siya Daddy, hinanap ko ang mga sagot sa katanongan ko. Nagkalkal ako sa office niya para makuha ang birth certificate nating dalawa at baka sakali na may mahanap din akong mga papers na related sa atin. At nahanap ko ang mga sagot sa katanongan ko noong kinausap ko ang dating kasambahay nila Mommy and Daddy.” pag-uumpisa ko kay Dianne at hanggang ngayon ramdam ko pa din ang galit at sakit noong una kong marinig ang lahat ng ito kay Lola Marshal.

“Naalala mo pa yung sinabi sa atin ni Daddy na namatay sa atin si Mommy sa panganganak? Akala ko iyon nga ang dahilan ng pagkamatay niya pero hindi pala.” napatingi ako sa kakambal ko na punong-puno ng pag-alala sa mukha niya at takot, maging matatag ka sa Dianne sa mga malalaman mo ngayong gabi.

“Pinatay ni Daddy si Mommy, Dianne!” madiin na sambit ko at napahawak naman ako sa balikat ni Dianne dahil sa bigla siyang nanghina sa narinig niya.

“Kaya sinabi ni Daddy sa atin na namatay si Mommy dahil sa panganganak sa atin at ang totoo niyan, namatay si Mommy dahil sa inggit ni Daddy na mas nakakasama tayo ni Mommy kesa sa kanya.” paliwanag ko at napatakip na lang din ng labi si Dianne at hindi na din niya mapigilan ang sarili niyang maupo sa sahig at maging ako ay naupo sa harapan niya.

“Bakit ginawa iyon ni Daddy? Ha Kuya?” tanong sa akin ni Dianne at nagsimula na din tumulo ang luha niya at binigyan ko naman siya ng ngiti.

“Dianne, tapangin mo ang loob mo ha, dapat hindi pwedeng malaman ni Daddy na alam na natin ang totoo. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng kasamaan niya sa korte.” bilin ko sa kakambal ko na ngayon ay galit na din ang namumuo sa puso niya dahil sa mga ginawa ng Daddy namin.

“Gusto ko din siyang makulong! Pwedeng sumali din ako sa ginagawa niyo?” tanong sa akin ni Dianne na ngayon ay punupunasan ang kanyang luha, umiling naman ako sa kapatid ko.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon