6, 806 days
December 24, 2017
/Saan na kayo?
Tanong ni Ate Eunice sa akin na ngayon ay kausap ko sa cellphone at hinihintay ko na lang ang kapatid ko sa pag-aayos para makapunta na kami sa reunion ng Reyes family na ginaganap tuwing Christmas.
“Hindi pa tapos si Dianne sa pagmamake-up.” sagot ko kay Ate Eunice at napatingin naman sa akin ang kapatid ko na naglalagay ng lipstick sa labi niya.
/Sabihin mo sa kanya na bilisan niya! Kanina pa ako dito sa kotse ni Mommy!
Sigaw ni Ate Eunice sa tawag at napalayo naman ako sa cellphone ko sa pagsigaw na iyon, mukhang mabibingi ako ng maaga dahil kay Ate Eunice.
“Bakit kasi hindi pa lang pumasok sa bahay ni Tito.” sagot naman ni Dianne sa sinabi ni Ate Eunice at narinig pala niya yung sinabi ng pinsan namin sa sobrang lakas ngbunga-nga niya.
/Pakialam mo ba? Sa ayokong pumasok sa loob at makipagplastikan sa mga tao doon!
Sagot ni Ate Eunice sa kapatid ko na ngayon ay umirap sa akin.
“Sige na Ate Eunice papunta na kami.” tugon ko sa kanya at hindi ko na pinakinggan ang sagot ni Ate Eunice dahil papatarantahan lang niya ako na pumunta na agad doon.
“What’s her problem? Parati na lang siyang missing in action kapag may reunion depende na yun kung pupunta ka din.” tanong sa akin ni Dianne na tumayo na din sa pagkakaupo niya sa harapan ng salamin niya at tinignan ko naman ang kapatid ko.
“Alam mo naman na ayaw ni Ate Eunice na makipaghalubilo sa mga kamag-anak natin lalo na yung mga galing sa ibang bansa.” tugon ko sa kapatid ko at lumabas na din kami sa kwarto niya at nadatnan naman namin si Daddy na papunta sa pwesto namin ni Dianne.
“We’re already late, bilisan niyong dalawa.” irritableng utos sa amin ni Daddy at naglakad na din siya pababa ng hagdanan. Alam ko naman na hindi siya makapaghintay na ipasikat ang promotion niya sa office nila at hanggang ngayon naman ay nagtataka ako kung paano nakuha ni Daddy yung promotion niyang iyon.
“Hindi naman ganito si Daddy noon ah, mas gusto nga niyang malate dati.” puna naman ni Dianne habang pababa kami ng hagdanan.
“Syempre, sino ba namang hindi maiexcite sa pagpasikat sa achievement sa buhay?” sagot ko sa kapatid ko at bumusina pa si Daddy sa labas ng bahay namin at halatang nagmamadali na siya.
***
“Ang tagal mo Pula!” bungad sa akin ni Ate Eunice nang makababa ako sa sasakyan namin at mukhang kanina pa siya irritable sa kakahintay sa loob ng kotse nila.
“Bakit kasi hindi ka pumasok sa loob?” tanong ng kapatid ko na kakalabas din sa kotse na ngayon ay napataas-baba siyang napatingin kay Ate Eunice na para bang kinokompare niya ang ayos niya sa pinsan namin.
“Mas maganda pa din ako!” pang-aasar ng kapatid ko bago siya pumasok sa bahay ng Tito namin na galing sa Canada.
“Malamang makapal ang make-up mo!” sigaw na sagot ni Ate Eunice sa kapatid ko at isinara ko na din ang kotse namin at tinignan ang ayos ko sa side mirror ng kotse namin.
“Kailan ka pa naging conscious sa itsura mo?” tanong sa akin ni Ate Eunice at tumingin naman ako sa kanya at umirap.
“Bakit, ikaw lang ba dapat ang mag-ayos?” tanong ko sa pinsan ko at naglakad na din ako papasok sa bahay ni Tito.
“Hintayin mo nga ako Pula!” sigaw sa akin ni Ate Eunice at hinintay ko naman siyang maglakad papunta sa gate ng bahay.
“Sigurado kang papasok ka sa loob?” takang tanong sa akin ni Ate Eunice at kahit hindi niya sabihin sa akin kung naiisip niya ngayon na tumakas kami sa reunion na ginagawa namin ng ilang taon na at uuwi kami sa kanya-kanyang bahay ng umaga ng Christmas.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Novela JuvenilPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...