“Nandyan na sina Frankie!” pansin sa amin ni Kuya Wilson na ngayon ay nasa labas na silang lahat ng bahay nila para pumunta sa bayan ng lola nila.
“Pasensya na po, mukhang nalate na po ang balik ko kay Frankie, gusto niya kasing puntahan ang Ate Maxine niya sa school para ibigay yung binili naming pagkain para kay Maxine.” wika ko kay Tito Robert at inabot ko na din sa kanya ang napakahimbing na natutulog na si Frankie at kinuha ko na din sa taxi ang mga pinili namin ni Frankie at inabot kay Tita Fe.
“Pula!” tugon sa akin ni Tita Fe at alam kong ayaw niyang inispoil ko si Frankie dahil baka masanay siya sa ganong treatment pero, baka kasi ito na ang huli naming bonding ni Frankie.
“Nako kunin niyo na po Tita, magtatampo si Frankie sa akin niyan kapag hindi niya makita ang mga yan.” nakangiting tugon ko kay Tita Fe at wala na din siyang magawa dahil nabili ko na din ang mga laruan at damit ni Frankie.
“Sabi kasi sa inyo Pa eh! Ipakasal niyo na kay Maxine yan, tignan mo, ginagawa na nilang anak si Frankie!” pang-aasar sa akin ni Kuya Wilson at inakbayan pa niya ako at napansin ko na nandito pala yung girlfriend niya.
“Binilhan ng laruan si Frankie, kasal agad?” tanong naman ni Ate Marie at tinignan ako ng seryoso.
“Maiiwan mag-isa si Maxine dito, pag may nangyaring di kaaya-aya sa kapatid ko, huwag kang magpapakita sa akin!” banta sa akin ni Ate Marie na sinaway naman ni Tita Fe dahil sa mga pinagsasabi niya.
“Hayaan mo na Marie, matanda na sila at tsaka sa kasal din lang ang bagsak nila ni Maxine, diba Pula?” tanong sa akin ni Kuya Wilson at labag sa loob akong ngumiti sa kanya.
“Nako Pula, huwag kang making sa kanilang dalawa. Bantayan mo ang anak ko habang wala kami. Bukas din ang balik naming ng gabi.” bilin sa akin ni Tita Fe at tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
“Opo. Mag-ingat po kayo. Ah, may binili po akong pagkain, nandiyan na din po sa paper bag, sakaling gutomin kayo sa daan.” paalam ko kay Tita Fe at sumakay na din sila sa taxing naghihintay sa kanila.
“Ingat po!” paalam din ni Ate Kyla na girlfriend ni Kuya Wilson habang palayo na ang taxi sa amin.
Napabuntong hininga na lang ako sa pagod, hindi ko kasi masabayan ang pagkahyper ni Frankie. Kinuha ko na lang din ang bike ko na nakatabi sa gate nila Maxine at sobrang tahimik ngayon dito sa tabi ng kalsada at sarado na ang bahay nila.
“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo ni Maxine. Pero sana, ipaalam niyo na yan kina Tita Fe at Tito Robert, malay mo, maayos niyo pa yan.” wika ni Ate Kyla sa akin at napatigil naman ako sa pag-ayos sa bike ko at tumingin sa kanya, paano niya nalaman na break na kami ni Maxine? Kwinento kaya ni Maxine ang nangyari sa amin kay Ate Kyla? Ngumiti naman ako kay Ate Kyla at naupo na sa bike ko.
“Wala namang nangyari Ate. Sige po, mauna na ako, pupuntahan ko pa si Maxine sa University, baka hinihintay na ako nun.” paalam ko kay Ate Kyla at sinimulan ko nang magpedal palayo sa kanya.
“Tama na Red, pagod ka na!” dagdag ni Ate Kyla sa akin dahilan kung bakit namali ako ng balanse at apak sa bike ko kaya ako nahulog at napahiga ako sa lupa.
“Sinabi kong tama na, masasaktan ka lang.” wika ni Ate Kyla sa akin at naglakad na din siya palayo sa akin at natulala na lang ako sa sinag ng araw na habang unti-onti itong nagtatago sa mga kabahayan.
Hindi ako pwedeng magpahinga at tumunganga dito, kailangan kong puntahan su Maxine. Bumangon ako at tinayo muli ang bike ko, yan tama yan Pula! dapat kang bumangon at puntahan si Maxine! Agad ko din pinatakbo ng mabilis ang bisekleta ko papunta kay Maxine. Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa University at hindi ko na maayos na pinarking bisekleta ko at patakbo akong pumasok sa building. Pero, kung gaano kabilis ang patibok ng puso ko, ganun din kabilis ako napahinto sa pagtakbo nang makita si Maxine na may kinausap na lalaki, yung lalaking iyon, siya yung nakabangga sa akin kahapon. Tinignan ko silang dalawa, kung paano kausapin ni Maxine yung lalaki at kung paano niya ito tignan, nakakakita ako ng kasiyahan sa mga mata niya. Umalis din agad ang lalaki pagkatapos niyang kausapin si Maxine at dinaanan lang ako ng lalaki, siguro hindi din niya ako napansin o naalala.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
JugendliteraturPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...