x-21-x

0 0 0
                                    


6,739 days
October 18, 2017

From: ~.walang_forever.~
8:12 p.m, October 17, 2017
(Tuesday)

Oo, noong nakaraan lang siya nagstay ng gabing iyon para lang makareply siya sa letter mo hahahaha. Uhmm kung idedescribe ko si gummy worm, ahhmm yung pananamit niya eh korean style, pati itsura niya korean style din. Maganda ang gupit ng buhok niya, matangos at cute ang ilong niya, maganda ang pagkabilog ng mga mata niya na mapupungay, tama lang ang kapal ng kilay, yung labi niya eh pinkish at sabihin nating nakakattract talaga ang lips niya, tamang-tama yung shape ng jawline niya, hindi gaanong mapanga, clear skin siya at maputi. All in all, gwapo siya, gwapong malinis na tignan, hindi malagangster ang dating pero jowable siya and perfect boyfriend ideas naming babae. At isa sa mga gusto ko sa kanya, napakapositive niyang tao at jolly, kaya hindi ako nagsasawa na makita siya kahit na napakakulit niya. Tsaka mabait si gummy worm, huwag ka sanang magalit sa kanya :)

~.~

Napabuntong hininga na lang ako matapos kong mabasa ang letter ni bitter sa akin, napakaperpekto naman ata ng mukha ng taong iyon at wala man lang pangit sa kanya. Lumapit ako sa whole body mirror ko at tinignan ang itsura ko. Maputi din naman ako ah, manipis at kulay pink ang labi ko, malinis din ang gupit at kilay ko, bilog din ang mga mata ko at mahaba pa ang pilik mata ko, matangos din ang ilong ko, cute din ang jawline ko, hindi kaya magkamukha kami ng kumag na iyon? Napailing ako ng ilang beses at tinignan muli ang itsura ko sa salamin, mas gwapo ako sa kanya at nalamangan ko siya sa ganda ng penmanship pero, dehado ako sa pananamit. Tinignan ko ang suot ko ngayong pajama na may design na panda at t-shirt na suot ko samantalang yung ungas na iyon, koreano ang dating. Binuksan ko ang closet katabi ng whole body mirror ko at chineck ang mga damit panglabas ko, lahat jeans, polo shirt at printed shirt ang halos nakasabit sa closet ko. Naupo naman ako sa kama at kinuha ang laptop na nasa tabi ko at sinearch ang mga Korean outfit sa google. Mas lalo ata akong nanliit sa sarili ko sa mga lumabas sa image result. Bakit ganon, simpleng tattered pants at lose shirt lang ang poporma na nila kahit na walang make-up ‘tong mga ‘to ang lakas na ng dating. Pinatay ko na lang ang laptop ko at naupo na ulit sa may table study ko at magsusulat na lang ako ng reply sa kanya.

From: xBunnyx1227999
9:26 p.m, October 18, 2017
(Wednesday)

Base sa pagkakadescribe mo sa uood na iyon parang inlove ka sa kanya. And ang masasabi ko lang sa pagkadescribe mo, parang nakikita ko sa kanya si Ryan Bang. Well, okay lang sa akin na mabait siya sayo, sabihin mo sa akin kung saktan ka ng lalaking iyon at pupuntahan ko siya sa West University ng wala sa oras.

x-x

Napabitaw ako sa ballpen na hawak ko at binasa ulit ang sinulat ko ‘sabihin mo sa akin kung saktan ka ng lalaking iyon at pupuntahan ko siya sa West University ng wala sa oras.’
Nasisiraan na ba ako? Feeling close na ako sa kanya at bakit ganito ang nagiging react ng puso ko? May sakit na ba ako? Tinupi ko na ang sulat ko at nilagay na ito sa bag pero ang ramdam ko pa din ang kabog ng puso ko.

***

6,740  days

October 19, 2017

“Anyare sayo?” tanong sa akin ni Ate Eunice na ngayon ay naghihintay sa labas ng bahay namin at hindi niya dala ang bike niya ngayon.

“Magpahatid na tayo.” walang ganang sagot ko sa kanya at akmang tatawagin ko na ang driver namin nang hilahin ako ni Ate Eunice palabas ng bahay namin.

“Huwag na! maglakad na tayo para magising naman ang diwa mo. Ano ba ang ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka?” tanong sa akin ni Ate Eunice habang nakapikit akong naglalakad sa gilid ng kalsada, inaantok pa din ako hanggang ngayon, kasalanan ng uod na iyon eh, kung anu-ano tuloy ang naireply ko kay bitter, hindi ko na din napalitan kagabi yung sulat ko dahil sa takot akong makita ulit kung ano ang mga pinagsusulat ko doon.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon